Freddie Aguilar, gusto nang magkaanak sa kaniyang batang misis
Gusto nang magkaanak ni Freddie Aguilar sa kaniyang batang asawa na si Jovie Albao.
“Gusto na nga namin as in yesterday. Siya, gustong-gusto niya rin. Pero wala pa. We are waiting for the time of Allah to give us our child,” pahayag niya sa panayam ng 24 Oras.
Higit pa riyan, nais daw ng ‘Anak’ singer na lalaki naman ang kanilang magiging anak. Aniya, apat na raw kasi ang kaniyang anak na babae.
READ: Kambal nais ni Ka Freddie Aguilar at ng 18 year-old na asawa
Matatandaang ikinasal ang folk musician sa kaniyang asawa noong 2013.
Hindi man maganda ang naging pagtanggap ng kanyang anak na si Maegan Aguilar sa kanyang batang karelasyon, nirerespeto naman niya ang pagkakaroon nito ng di-umano’y 61-year-old na nobyo ngayon.
READ: Maegan Aguilar, nagsalita na tungkol sa kanyang bagong nobyo
“Ang pakialam ko lang sa kanila is ‘yung pagtinanong ako, ‘Tay ano bang mas magandang gawin dito, ito or ito? Ibibigay ko ‘yung aking piece of advice bilang tatay nila,” sambit ni Ka Freddie.
- CHERRY SUN, GMANetwork.com