Filtered by: Showbiz
Showbiz
Dingdong Dantes, naglilihi din? Caldereta, ni-request sa buntis na misis na si Marian
May pamahiin ang mga Pinoy na maaaring pati ang lalaki ay makaranas ng paglilihi kapag nagbubuntis ang kanilang misis. At tila totoo ito para kina Mr. and Mrs. Dantes.
READ: Dingdong Dantes, proud kay Mommy Marian
Sa magka-ibang Instagram posts nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay mapapanood na may hinahanap-hanap na pagkain ang Kapuso Primetime King.
“Yan, I’m craving for my favorite dish, ‘yung Caldereta,” panimula ni Dong.
Walang pag-aalinlangan namang tumugon si Marian sa request ng kanyang asawa.
Aniya, “Caldereta ba kamo ang hamon mo sa akin? Pwes, achieve ko ‘yan!”
"Ang request na #Caldereta ni @dongdantes, ma-a achieve ko na! Abangan soon!" ??
A video posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on
Sa nakaraang mga panayam, sinabi ni Marian na wala naman siyang partikular na pagkain na pinaglilihian maliban sa panggigigil niya lagi sa mister na si Dingdong.
Matatandaang noong Pebrero ay nag-enroll sa isang culinary school si Marian bilang paghahanda na rin sa kanilang buhay mag-asawa. -- CHERRY SUN, GMANetwork.com
Tags: marianriverapregnancy
More Videos
Most Popular