Carla Abellana has no problems working with ex-BF Geoff Eigenmann's relatives
Si Carla Abellana ang bagong karakter na ipinakilala noong mga nakaraang episode ng primetime series na Pari ‘Koy na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Sa Pari ‘Koy, si Gabby Eigenmann ang kapareha at boyfriend ni Carla sa serye. Alam ng lahat na si Gabby ay isa sa pinaka-malapit na pinsan ng dating boyfriend ni Carla na si Geoff Eigenmann. Wala bang problema sa kanilang dalawa?
Ayon kay Carla, “Walang problema. Ang bait-bait ni Gabby, e.
“Last year lang, I’ve worked with Timmy [Sid Lucero], lahat sila naka-work ko na.
“Last year si Timmy ang love interest ko, ngayon si Gabby naman. Iniisa-isa. Lahat sila umiikot lang.
“Naka-work ko na rin si Gabby before, yung Jillian: Namamasko Po, 'tagal na. Kuya ko siya run. Drama rin yun.”
Wala naman silang ilangan ni Gabby?
“Wala,” saad niya.
Kung si Direk Gina Alajar, ina ni Geoff ang magdi-direk sa kanya?
“Okey lang,” nakangiting sagot naman niya.
Nasabi rin kay Carla na tila may mga fans daw na parang hindi pabor na makasama siya sa Pari ‘Koy.
Alam ba niya ito?
“Hindi naman. Well, we cannot please everybody. May mga ayaw, may mga excited. Tingnan natin.”
Sa isang banda, hindi naging hadlang sa kanya na halos kalagitnaan na rin ng Pari ‘Koy nang ipinasok siya.
“Okey lang kasi, ang ganda nung timing ng pasok at saka, ang ganda ng role.
“Siya yung conflict sa story. Hindi ba ang nagiging problem nila, yung corruption ni Gabby, yun lang.”
Ang karakter naman daw niya ay mapapanood hanggang sa pagtatapos na ng Pari ‘Koy. -- PEP
For the full story, visit PEP