Filtered By: Showbiz
Showbiz

Diana Zubiri graduates from college


Kasabay ng nalalapit nilang kasal ng model na si Andrew Smith, isang magandang balita pa ang ipinagdiriwang ng aktres na si Diana Zubiri. Kamakailan lamang nagtapos siya sa kolehiyo sa Miriam College sa Quezon City.

Ayon sa "Encantadia" star sa isang Instagram post nitong Sabado, "Thank you for amazing 5 years Miriam College (including tutorials and summer school) #Graduation #MiriamCollege #Batch2015"

Matatandaang nitong taon rin, nag-propose sa kanya si Andrew sa Japan, kung saan kinunan din ang kanilang pre-nup photos.

Idinaos na rin ang kikay bridal shower ng aktres sa pangunguna ng mga kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz, gaya na lamang ni "Second Chances" star na si Camille Prats at ni Melissa Avelino-Pili, noong nakaraang linggo.

Gaganapin ang kasalang Andrew at Diana sa darating na Mayo.



— Bianca Rosa Dabu/DVM, GMA News