Filtered By: Showbiz
Showbiz
No more bitterness: Carla Abellana now open to working with ex Geoff Eigenmann
By GLENN REGONDOLA, PEP
Kung nasabi ni Carla Abellana na hindi pa siya sigurado kung handa na siyang makatrabaho ang dating boyfriend na si Geoff Eigenmann, lalo na raw hindi siya sigurado kung handa na ang aktor na makatrabaho siya.
Ito ang naging pahayag ni Carla nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing niya for another three years sa Kapuso network last week.
Sabi ni Carla, "May project siya ngayon, e.
"Hindi ko alam... I wouldn't know.
"Hindi ko rin alam kung sa camp nila, kung open sila or what.
"Hindi pa din kami nagkikita ever since, kasi nung may show ako, siya yung wala.
"Ngayong may show siya, ako rin ang wala.
"So, there's no chance na magkita kami sa network, hindi pa kami nagkikita since then."
Pero pagkatapos niyang sabihin ito, inamin ng Kapuso actress na handa rin naman siyang makatrabaho muli si Geoff.
"Ako, I'm open.
"Depende naman yun sa manager ko at sa project din siguro."
Ibig bang sabihin nito ay wala na siyang sama ng loob kay Geoff?
Giit ni Carla, "Wala, ang pangit naman nun na you keep it in for a long time.
"You let it go naman.
"Wala na, wala na."
Wala na raw siyang bitterness at nakapag-move on na nang tuluyan. Kahit na noon ay mayroon din siyang nasabing hindi maganda sa dating boyfriend.
Saad ng Kapuso actress, "Ako, I don't regret naman everything that I've said in the past.
"Everything... I speak kung ano ang napag-isipan ko.
"I think, mas marami namang...
"Ako nga, I don't speak much, but when I speak, I mean it... parang ganun.
"So, I know what I'm saying, at hindi ko sasabihin yun... kumbaga, hindi ako magsasalita kung hindi siya napag-isipan." —PEP
Tags: carlaabellana, geoffeigenmann
More Videos
Most Popular