Filtered By: Showbiz
Showbiz
Sancho, handang ipagtanggol ang inang si Ai Ai de las Alas laban sa mga bashers
Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com
Bagong pasok pa lamang si Sancho de las Alas sa mundo ng showbiz pero naging matunog na ang kanyang pangalan noon pa man dahil sa kanyang pagtatanggol sa kanyang ina na si Ai Ai de las Alas sa iba't-ibang balita patungkol sa kanyang personal na buhay, partikular na ang kanyang love life.
Kuwento ni Sancho, may mga pagkakataon umano na sumasagot siya sa mga bashers upang ipagtanggol ang kanyang ina. Ngunit ayon sa kanyang ina, hindi na dapat ito patulan ni Sancho.
"Sabi po kasi ni Mama, huwag na po akong sumagot. Pero may mga times po talaga na I have to explain our side kasi hindi naman po nila personally kilala si Mama," pahayag ng bagong Kapuso star.
Dagdag ni Sancho, bilang panganay na anak ito ay kanyang obligasyon sa kanyang ina.
"Hindi ko naman po job na gawin 'yun pero as panganay na anak. Feeling ko po, obligasyon ko na protektahan si mama."
Bilang anak, nasasaktan siya sa mga batikos na natatanggap umano ng kanyang ina.
"Siyempre, nanay ko po 'yan eh. Kumbaga, 'yan ang nagpalaki sa akin eh. Kumbaga, ang nanay sa anak ultimo lamok 'di mo papadapuan. Ako, ganoon din ako kay mama," pahayag nito. -- Ann Charmaine Aquino, GMANetwork.com
Tags: sanchodelasalas, aiaidelasalas
More Videos
Most Popular