Filtered By: Showbiz
Showbiz
Wowie de Guzman, kinakabahan sa pagiging kontrabida
“Ang tagal ko na ring hindi gumagawa ng soap especially rito sa GMA,” ani Wowie de Guzman, ang former Universal Motion Dancer member na ngayo’y Kapuso na.
Ayon kay Wowie, natuwa raw siya sa ginawang pagtanggap sa kanya ng Kapuso Network. Pagpasok pa lamang ni Wowie sa GMA, agad siyang binigyan ng project na Yagit.
Kuwento ni Wowie, malayo raw sa kanyang previous roles ang character niya ngayon sa Afternoon Prime soap na si Chito. “Kinakabahan [ako] kasi dito [ay] kontrabida ako. Siyempre nasanay sila na mabait ako lagi,” anang aktor.
Hindi raw maiwasan ni Wowie ang mahirapan dahil sa itinuturing niyang malaking shift sa kanyang acting.
Aniya, “Most of the time na nabibigyan ako ng projects, it's either kawawa ako or ako 'yung inaapi. So dito naman, medyo maraming palabok 'yung character ko. Kailangan ko talagang ipakita sa audience na maiinis sila sa 'kin.”
Ani Wowie, naging madali sa kanya ang pakikihalubilo sa Kapuso stars. Saad niya, “So first time ko lang nakatrabaho 'yung GMA stars. Nakakatuwa sila. Malaking tulong 'yung workshop namin [kaya’t] naging familiar kami sa isa't isa."
Hindi naman lahat ay first time makatrabaho ni Wowie dahil nariyan ang nagbabalik-Kapuso na si James Blanco after nine years.
“Si James kasi [ay] nakasama ko nang matagal. Si Direk Gina [Alajar] naman ay nakatrabaho ko na rin pero matagal na. Naging direktor ko rin siya,” anang Yagit star. - Al Kendrick Noguera/Elisa Aquino, GMANetwork.com
Tags: wowiedeguzman, yagit
More Videos
Most Popular