Filtered By: Showbiz
Showbiz

Former beauty queen Joyce Ann Burton: 'I just discovered that I'm meant to be an actress'




Totoo nga siguro ang sinasabi ng karamihan na life begins at 40. Isa na sa mga naniniwala rito ay si Joyce Ann Burton ng Ang Lihim ni Annasandra.

Itinuturing ni Joyce na dream come true ang Afternoon Prime soap dahil ito ang unang beses niyang ma-cast sa isang serye. Aniya, matagal na pala siyang naliligaw ng landas.

"For 17 years as a TV journalist, I always felt misplaced. It's a beautiful career but maybe not for me," bahagi ng former beauty queen.

Dagdag pa niya, "I'm already in my 40s but I just discovered that I'm meant to be an actress, a storyteller."

Kamakailan lang na-realize ni Joyce ang passion niya sa pag-arte. Dahil dito, hindi na raw niya sinayang ang panahon at agad nag-switch ng career.

"Napaka-thankful ko that even late in life, I can still jump into a different career," saad ng aktres.

Aniya, "I started doing stage plays and auditioning for student films. Anything I can audition for, I will audition for it oncam. All of that led me to Ang Lihim ni Annasandra."

Kahit na first drama role ito ni Joyce, hindi raw siya gaanong nahihirapan dahil mayroon daw siyang pundasyon sa pag-arte.

"Kaunti lang ang nakakaalam nito. Ako po ay isang voice talent at proud na proud ako na ang acting skills [ko], ang talagang foundation niyan ay nakukuha ko sa pagiging voice talent," saad niya.

Ipinarinig sa amin ni Joyce ang ipinagmamalaki niyang boses na maririnig sa beauty products TV commercials at sa instructional voice ng isang airline company. - Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com