Filtered By: Showbiz
Showbiz

Leni Santos, balik-showbiz after 12 years



 
Unang nakilala si Leni Santos sa kauna-unahang primetime soap opera ng GMA na Anna Liza noong '80s, kung saan nakatambal niya ang aktor na si Rey PJ Abellana. Hindi katulad ng kanyang ka-love team na nanatiling aktibo sa showbiz, mas pinili ni Leni ang malagay sa tahimik at manirahan sa Amerika.
 
After 12 years of not being in the limelight, bumabalik sa showbiz si Leni bilang bahagi ng cast ng More Than Words na pagbibidahan nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Muli ring mabubuhay ang tambalan nila ni Rey PJ dahil sila ang magkapareha sa teleseryeng ito. 
 
"Actually noon pa, andami na talagang nag-o-offer sa akin since nasa States na ako. Nag-offer talaga sila na umarte ulit ako. Sabi ko, 'Nananahimik na ako. Tingin ko sanay na ako na wala sa showbiz.' Parang ine-enjoy ko na lang ang simpleng buhay. Pero dumating 'yung time na siyempre kapag artista ka talaga, hahanap-hanapin mo 'yun eh. Hindi mo maikakaila na 'yung showbiz is malaking parte ng buhay mo," she shares with GMANetwork.com.
 
Pinuntahan daw siya sa Las Vegas ng kanyang manager para kausapin siya tungkol sa kanyang possible showbiz comeback. "Sabi niya, 'Gusto mo bang bumalik?' Sabi ko, 'Why not? Kung mayroong magandang project, bakit ba hindi?' Nakausap ko na rin dati pa si Ate Redgie Acuña-Magno (GMA VP for Drama).

"Actually, siya 'yung isa sa pinapasalamatan ko talaga. Malaki ang utang na loob ko kay Ate Redgie for giving me another opportunity na magkaroon kami ng comeback ni PJ."
 
Na-miss ba niyang makatrabaho ang kanyang love team partner?
 
"Oo naman! Anak kami ng GMA, kasi ang Anna Liza is from GMA-7. Na-miss ko dahil maraming mga bagay kaming pinagsamahan ni PJ na hindi ko makakalimutan. Nag-peak 'yung career namin dahil nagustuhan kami ng mga tao, at malaking bagay na naging maganda ang career namin together."
 
Iniwan ni Leni ang kanyang trabaho bilang med tech sa Amerika. Ibig sabihin ba nito ay for good na ang kanyang pagbabalik showbiz?
 
"It depends kasi nandoon ang mga anak ko, ako lang ang umuwi. Siyempre kapag nanay ka, priority mo pa rin ang pagiging nanay. Pero may blessings naman ang dalawang kids ko. Kung sakaling mag-click ito, why not? Puwede naman akong tumanggap pa ng project." -- Michelle Caligan/Elisa Aquino, GMANetwork.com