Filtered By: Showbiz
Showbiz
'Eh Kasi Babae' co-star Bessie Badilla shares fond memories of Tita Squid aka Tiya Pusit
Isa sa mga sobrang nalungkot sa pagpanaw ng komedyante na si Tiya Pusit (Myrna Villanueva in real life) noong nakaraang October 2 ay ang former Pinay supermodel na co-star ni Tiya Pusit sa ‘80s hit sitcom na Eh Kasi Babae na si Bessie Badilla.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook si Bessie na naka-base ngayon sa U.S. kasama ang kanyang pamilya.
Sa aming panayam sa kanya, nagulat nga siya nang mabalitaan niya ang biglang pagpanaw ng kanyang tinuturing na matalik na kaibigan.
Ayon pa kay Bessie, sa Facebook sila ulit nagkaroon ng connection ni Tiya Pusit (na kung tawagin niya ay Tita Squid) after more than 27 years.
“Napakalungkot ko kasi nawalan ako ng isang mabuting kaibigan.
“After so many years na hindi kami nagkita at nag-usap ni Tita Squid, we just recently found each other again on Facebook.
“Marami kaming private messages parati. We were constantly exchanging messages as if parang kahapon lang kami nagkita sa taping ng Eh Kasi Babae.
“All I can say is, napakabait niyang tao and I miss her terribly.
“At least, through Facebook, nagkaroon ulit kami ng connection.
“Tita Squid always shared my posts and she would write the sweetest things about me. I love her and I will keep on praying for her.”
Always in character
Sina Bessie at Tiya Pusit ang parating nagbibigay-buhay sa 1987 hit sitcom ng IBC-13 na Eh Kasi Babae. Mga co-stars pa nila ay sina Gloria Diaz, Janice Jurado, Debbie Miller, Buboy Garovillo, Charlon Davao, and the late Johnny Wilson.
Mabentang-mabenta ang palitan nila ng adlibs at nagpapatalbugan silang dalawa sa pananamit. Kung sosyal ang mga suot ni Tita Bessie, pang-costume party naman daw ang mga suot ni Tiya Pusit. “Tita Squid was one of the reasons I enjoyed taping Eh Kasi Babae.
“Actually, kami nila Tita Squid at Janice Jurado ang mahilig mag-adlib. Our director that time na si Mr. M [Johnny Manahan], would not edit out any of our improvised chatter.
“Tita Squid was so funny and witty. Noong si Jose Javier Reyes na ang nag-take over as director, wala siyang naging problema with Tita Squid’s character kasi all-out siya magpatawa.
“She would come up with outfits and props that would be perfect for her scenes.
“In character siya parati. Magku-commute ‘yan sa studio sa Broadcast City dala-dala ang mga props niya.
“One time, she brought a hollow block and everyone in the jeepney wondered what it was for. Her fans asked and she explained, ‘Meron akong bathroom scene, kailangan ko ng panghilod!’
“Hindi ba kakaiba siya? Nag-iisa lang si Tita Squid!” pagmamalaki niya. — Ruel J. Mendoza, PEP
Tags: tiyapusit, bessiebadilla
More Videos
Most Popular