Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sino sa mga babaeng inibig ni Jose Rizal ang gagampanan ni Solenn Heussaff sa Ilustrado?



Isa si Solenn Heussaff sa mga pinaka-busy na artista ngayon.

Kamakailan ay naging cover girl siya ng isang magazine, at rumampa rin
sa fashion show ng isang clothing brand.

Mapapanood din ang actress-model sa Taste Buddies every Saturday at sa MP featuring Sport Science every Sunday. Nagsimula na rin siyang mag-shoot para sa pelikulang Tiyanak at sa upcoming GMA News and Public Affairs program na Elemento.

Sa Ilustrado, gaganap si Solenn bilang Nelly Boustead, isa sa mga babaeng inibig ni Dr. Jose Rizal, na gagampanan naman ni Alden Richards. Makakasama rin nina Solenn si Kylie Padilla, na gagampanan ang karakter ni Leonor Rivera.

“Si Nelly Boustead may European na lahi. Hindi ko pa alam talaga, pero sa research na ginawa ko, she's a well brought up woman, very educated, maganda ang relationship nila [ni Rizal], amicable split. Actually walang masyadong kuwento tungkol sa kanya sa internet, very short. Pare-pareho lang [ang nababasa ko]," paglalarawan ni Solenn sa kanyang role.

Aniya, ngayon pa lang daw niya nalaman ang tungkol kay Nelly.

"Before naman, siyempre Jose Rizal is very famous, 'yung names alam ko, narinig ko dati. Noong sinabi nila na European ako, akala ko ako si Josephine Bracken. Kasi I have never heard of Nelly talaga, hanggang ngayon."

Kahit paano raw ay madali ang role dahil sa European vibe nito, pero may isang malaking challenge pa rin siyang haharapin.

"Sa language same pa rin, Tagalog. Akala ko talaga French kasi 'yun ang sabi nila dati. Sabi nila I will learn German daw sa umpisa. Eh ngayon Tagalog na. That's why super stressed ako sa life kasi lahat [ng projects ko dapat] Tagalog. Lahat pumasok at the same time."

Kakayanin kaya niya ang stress na ito?

"We'll see what happens. Papayat ako sigurado." -- Michelle Caligan/Bochic Estrada, GMANetwork.com