Filtered by: Showbiz
Showbiz
Jennylyn Mercado excited for return of StarStruck
May participation din ba si Jennylyn Mercado sa pagbabalik muli ng StarStruck, ang artista search ng GMA kung saan sila ni Mark Herras ang kauna-unahang winners?
Sagot niya, “Abangan nila, abangan nila kung anong participation.
“Basta, hindi ko puwedeng sabihin, e.
“Pero malapit na ninyong mapanood,” sabi niya.
Sobrang nai-excite daw siya na ibinalik muli ng GMA ang StarStruck.
“Oo naman, kasi matagal ding nawala, 'di ba?
“Nung nagsimula, tuluy-tuloy, dire-diretso siya hanggang mga pang-ilang batch.
“'Tapos nag-stop siya nang matagal. And then ngayon, babalik ulit.
“Kaya exciting ito at saka maraming mga bago. Maraming mga kailangang abangan.”
Sa mga isinasagawang auditions, talagang grabe ang pila ng mga nagbabakasakaling mapasali sa StarStruck.
Ayon kay Jennylyn, “Nung time namin, wala sobrang mahabang pila.
"Kasi hindi pa sila ganun ka-interested sa audition.
“Ang dami ngang pumipila, like yung ginawang audition dito sa GMA.
"Yung iba, the night before pa at talagang dito na nagpalipas ng magdamag."
Ano ang gusto niyang sabihin sa mga ito?
“Ano lang, tiyaga at galingan niyo.
"Kasi bihirang-bihira yung mga opportunity na dumarating sa buhay ninyo na mga ganitong klase.
“So, kailangan pagtuntong ninyo sa stage, pagtanong ng pangalan niyo pa lang, bibo na.” — Ruben Marasigan, PEP
Tags: jennylynmercado, starstruck
More Videos
Most Popular