Filtered By: Showbiz
Showbiz
Oyo Boy Sotto, ikinuwentong tinakbuhan siya ni Kristine Hermosa nang alukin niya ng kasal
Unang nakatambal ni Marian Rivera si Oyo Boy Sotto bilang kanyang ka-love team. Ang mga palabas na pinagsamahan nila ay ang Pinakamamahal, Agawin Mo Man Ang Lahat at Kung Mamahalin Mo Lang Ako.
Kaya naman natanong ng GMANetwork.com sa Kapuso actor kung ano ang kanyang naging reaksyon nang mapanood ang proposal ni Dingdong kay Marian sa Marian.
“Nakita ko ‘yong video nila. Alam ko ‘yong feeling ‘yong kaba na nanginginig na nanunuyo ‘yong bibig mo,” paglalahad niya.
It’s about time rin daw na magpakasal na sina Dingdong at Marian.
“Nakakatuwa ‘pag may lalaki na nagpo-propose sa isang babae. Alam mong next level na ‘yon. Para sa akin sacrifice ‘yon dahil ang pag-aasawa, hindi iyan basta lang na pinagdedesisyunan,” sabi pa niya.
Masaya raw si Oyo Boy na sa wakas ay ikakasal na ang Royal Couple.
“Para sa kanilang dalawa, gusto ko lang na i-keep nila ‘yong faith. Huwag mawawala si God sa gitna ng relationship nila. Lagi nilang uunahin ‘yon,” mensahe niya sa kanila.
Ayon pa kay Oyo, hindi naman nawawala ang pagsubok sa buhay. Lalo na raw sa pag-aasawa kaya kailangan daw ng patience.
“It’s really a choice. You have to be really committed to each other. Keep the love burning,” dagdag niya.
Dahil sa ginawang proposal ni Dingdong kay Marian, naalala ni Oyo ang pagkakaparehas ng ginawa niyang proposal sa kanyang asawang si Kristine Hermosa.
Kuwento niya sa bahay daw ng kapatid niya siya nag-propose.
“Nandoon ‘yong ibang friends namin. Mostly mga pinsan. Meron lang kaming parang maliit na gathering. It was Kristine’s birthday that night. Wala siyang idea na mag-po-propose ako noong gabing ‘yon,” pagbahagi niya.
Katulad nang ginawa ni Dingdong kay Marian, lumuhod din daw siya sa harapan ni Kristine.
“Noong pagluhod ko, hindi nga umiyak, biglang tumakbo,” natatawa niyang sabi.
Pagpatuloy niya, “Umalis doon sa kwarto so akala ko hindi ako sasagutin. Hindi ako makatayo, nakaluhod ako. Sabi ko [sa kanya], ‘Will you marry me?’. Tapos, tumakbo siya sa labas ng kwarto.”
Naisip daw ni Oyo na hindi handa si Kristine na pakasalan siya kaya naman nasabi niya sa kanyang sarili na, “Patay, parang ayaw ata magpakasal.”
Noong akala ni Oyo na hanggang doon na lang ang puwede niyang magawa ay ‘yong pagbalik naman ni Kristine sa kanya.
“Bumalik after mga few seconds. Umiiyak na siya sabi niya ‘Oo na!’, galit pa eh, parang napilitan lang.”
Biro niya, “Napilitan si Tin ng gabing ‘yon parang ‘di niya sure ang sagot eh. Sabi niya ‘Oo na nga, oo na nga, magpapakasal na!”
Kung ikukumpara ni Oyo ang ginawang proposal ni Dingdong, malaki ang naging paghanga nito sa Primetime King, “Sa amin konting tao lang, sa kanya live TV, nakakakaba ‘yon.” - Eunicia Mediodia, GMA News
Tags: oyoboysotto, dingdongmarianwedding
More Videos
Most Popular