Filtered By: Showbiz
Showbiz
Alamin ang paraan ng pagpapasalamat ni Diego sa mga biyayang natatanggap
Hindi makukumpleto ang Bubble Gang kung wala ang tinaguriang "Pambansang Bading" na si Diego. Ngunit ang hindi alam ng marami, hindi siya nagsimula sa show bilang talent o artista agad.
Sa isang episode ng GMA News TV's "Tunay Na Buhay" ni Rhea Santos, inilahad ni Diego na 18 years ago ay siyang production assistant ng longest running gag show in the country.
Hindi nagtagal, hindi lang pagpi-PA ang naging trabaho niya.
“Habang tumatakbo yung mga taping, may mga joke na tungkol na sa pangit. Sabi nila Michael V, pa-try daw sa akin,” kwento ni Diego.
Mula noon ay naging mainstay na siya sa show. Tinulungan ng Bubble Gang si Diego na makaipon para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.
Simple lang ang buhay na kanyang hinahangad kaya para sa kanya, sobra-sobra na ang mga biyayang kanyang natatanggap.
Dahil dun, regular na nagpapa-feeding program si Diego, bilang simbolo ng kanyang pasasalamat sa Panginoon sa mga trabahong binigay nito sa kanya.
“'Yon lang yung way ko kasi nung bata ako, masasabi ko na hindi naging masaya ang childhood ko, kasi ‘di ako nakapaglaro nang maayos,” kwento niya. “So every month, pumupunta kami sa Baseco (Tondo, Manila), namimigay kami ng laruan, tsinelas, saka nagpapakain.
Maliban sa pamilya, trabaho at mga kaibigan, ito ang higit na nagpapasaya sa kanya at bumubuo ng kanyang buhay.
“Ang saya-saya ko lalo na ‘pag nakikita ko yung mga bata na masaya sila sa konting binibigay ko,” aniya.
Panoorin ang pagpapasaya ni Diego sa mas marami pang tao tuwing Biyernes sa Bubble Gang. -- Meryl Ligunas, GMANetwork.com
Tags: diego, bubblegang
More Videos
Most Popular