Filtered by: Showbiz
Showbiz
Mike Tan and Louise delos Reyes talk about the importance of having friends in showbiz
![](http://aphrodite.gmanetwork.com/entertainment/insideimages/mikelouise-inside.jpg)
Kuwento ng nakararami, mahirap makahanap ng totoong kaibigan lalo na mula sa mundo ng showbiz. Ngunit iba ang paniniwala nina Mike Tan at Louise delos Reyes.
Ayon kay Mike, “Ever since, ang pinaka-close ko talaga, siyempre nandiyan si Mark (Herras). Si Mark ang maituturing ko talagang kaibigan ko from the start. Si Kevin Santos and si Rainier (Castillo), kaya lang si Rainier wala na sa GMA. Pero isa siya sa maituturing ko [na close friends] sa mga artista”.
“Sila talaga 'yung kaya kong i-share lahat. Kalokohan, alam mo na. Nandoon lahat, 'yung kaya mong kausapin ng personal, kaya mong sitahin, kaya mong pagalitan,” dagdag niya.
Kuwento ni Mike na importanteng magkaroon ng barkada na nasa mundo rin ng showbiz.
“Yung masasabihan mo ng problema mo kasi kayo kayong mga artista, kayo kayo lang rin ang makakaintindi ng mga problema ninyo. Di mo naman maaasahan 'yung ibang tao na maintindihan 'yung problema mo kasi hindi naman ‘yun 'yung nature ng trabaho nila,” saad niya.
Para kay Louise importante ang pagkakaroon ng mga totoong kaibigan.
“Lalo na ngayon. Lalo na sa era ngayon na parang feeling ng mga bata na lahat pinaplastik sila, lahat parang fake sa kanila. So ngayon, kailangan mo rin na makahanap ng totoong kaibigan mo. Kasi madalang lang dadating ang mga totoong kaibigan mo at thankful kami [ni Mike] kasi mayroon kaming mga kaibigan na outside and inside ng showbiz na totoo talaga sa amin. At saka since pare-parehas kayong mga artista, nagtatakipan kayo ng mga kasalanan ninyo,” natatawang pahayag niya.
Maituturing umano ni Louise na bestfriend ang aktres na si Bea Binene. Aniya, “Si Bea talaga. Parang kapag may mga problema kami, nagtatawagan kami. Kasi kapag kaibigan mo hindi naman kailangang constant 'yung communication ninyo. Ang importante, kapag nag-usap kayo, sobrang click kayong dalawa.”
Patuloy na subaybayan si Mike Tan sa kanyang pagganap bilang Jun at si Louise delos Reyes bilang Alona at Perlas sa Kambal Sirena.
Para sa iba pang updates mula kina Mike Tan at Louise delos Reyes, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com. -- Maine Aquino/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: miketan, louisedelosreyes
More Videos
Most Popular