Filtered By: Showbiz
Showbiz

Luis Alandy on directing: 'Masaya kapag nabigyan ako ng chance'


 
Kailan lang ay ibinahagi ni Luis Alandy ang kanyang ambisyon na maging isang direktor. Kasama rito ang isang bagay na kanyang ginagawa para ma-practice ito.

Ayon kay Luis, minsan ay nanonood siya ng mga pelikula mag-isa. Isa ito sa mga bagay na hindi umano alam ng ibang tao tungkol sa kanya.

“Minsan pinapanood ko once depende kung gusto ko. Una kasi, ina-analyze ko ‘yung story and kung paano ‘yung acting and ‘yung shots nun. Nandoon na sa stage na ‘yun, gusto kong mag-venture into directing,” saad niya.

Pagdating naman sa klase ng movie na kanyang idi-direct, naging bukas ang aktor sa pagsabi ng genre na kanyang gustong gawin.

Aniya, “Kasi 'yung resources natin hindi kasing laki tulad nang sa ibang bansa. Tinitingnan ko 'yung mga drama kasi mas madali, kesa 'yung mga fantasy, sci-fi, or mga rom-com, or mga comedy ganoon. Mas madaling i-execute 'yun into screenplay.”

Gusto umano ni Luis ns i-direct ang dalawa sa magagaling na aktor ng bansa. “Cesar Montano at si Iza Calzado. I've worked with her sa series pero directing her, masaya kapag nabigyan ako ng chance,” saad niya.

Patuloy na subaybayan si Luis Alandy sa Innamorata, Monday to Friday pagkatapos ng Villa Quintana.

Para sa iba pang updates tungkol kay Luis Alandy at iba pa ninyong paboritong Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com. -- Maine Aquino, GMANetwork.com
Tags: luisalandy