Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cast ng 'Kambal Sirena,' todo ang suporta kay Louise delos Reyes



 
Hindi biro ang gumanap bilang kambal, mapa-teleserye man ito o pelikula. Kaya naman malaki ang paghanga ng co-stars ni Louise delos Reyes sa Kapuso leading lady dahil hindi lamang ang pagiging kambal ang gagampanan niya sa Kambal Sirena, kundi pati ang pagiging isang sirena.

We asked the powerhouse cast of the latest primetime series on what they think about Louise and her roles as Alona and Perlas, and if they have any advice for the young actress. Here are their answers:

Tessie Tomas: "Kahanga-hanga, kagulat-gulat kasi ang daming preparations. 'Yung mag-swimming ka, and all the courage to go underwater, to wear the tail, mahirap na trabaho pero exciting din 'yun. Mapapayo ko kay Louise is to stay humble, to stay grounded, at always strive for the best in whatever you do, your craft, your professionalism, and enjoy. 'Yun ang importante."

Mickey Ferriols: "I've said this before, and I'll say this again, the way I see her, I think malayo ang mararating talaga ni Louise. She's very simple, she's very down to earth, and wala siyang ere. And her face is very versatile, puwedeng iba-ibang characters. Marami siyang roles in the future pa na puwede niyang gampanan. Hindi siya naka-fix sa isang character."

Gladys Reyes: "Naku pinaghirapan niya 'to, kung alam niyo lang. Walang wala siyang experience sa pagganap ng sirena even before. Hindi siya nakaganap ng underwater scenes in the past. Ang alam ko nga hindi talaga siya marunong mag-swim. Ang laki ng hirap niya dito. Talagang inaral niya, and saludo ako sa kanya dahil noong napanood ko 'yung ibang mga scenes lalo na 'yung mga underwater, wow, ang bilis niyang matuto."

Lotlot de Leon: "Nakikita ko sa kanila [ni Aljur] ang dedication that they're putting into this show. Nakikita ko na talagang inaalagaan nila at mahal nila ang trabaho nila, and that alone will bring them a long way. I'm very happy to be working with them, and the whole cast."

Angelika dela Cruz: "Kaunting tiyaga lang, kasi 'yung pag-arte pa lang itself is a challenge na, lalo pa 'yan na dalawa 'yung role mo, dalawang personality, plus may buntot pa. Kaunting tiyaga lang, kayang kaya mo 'yan."

Rich Asuncion: "I admire 'yung ginagawa niyang kaibahan sa dalawang characters niya, kasi 'yun ang pinaka-importante. Lagi kong nakakasama sa scene 'yung mermaid, at kailangan niyang umarte dito na parang bata, playful, at nakikita ko 'yun sa kanya. Nakikita ko na kuhang kuha niya ang character na gustong makuha ng director namin."

Wyn Marquez: "Si Louise very adorable pa rin, madaling ka-work. Very carefree, very light. Super proud ako sa kanya bilang friend niya talaga, kasi challenge 'yun eh. Dalawang role ang pino-portray niya, ibang klase ng disiplina at balance ang kailangan doon. Ngayon pa lang gusto ko nang i-congratulate si Louise."

Pancho Magno: "Si Louise kahit dati pa naman, talagang sobrang nakaka-proud kasi ang dami niyang shows na matataas ang ratings. Sobrang magaling siya, at 'yung mga nakasama niyang actors. 'Yung pinakahuli niya, ang Mundo Mo'y Akin, para sa akin ang ganda ng show na 'yun. Sobrang happy din ako dahil friends kami. Mas madali, at mas makakatulong 'yun kasi sobrang supportive nila."

Polo Ravales: "She's very professional, lalo na at siya ang madalas kong kaeksena. Talagang sineseryoso niya ang role, at talagang binibigyan niya ng buhay ang bawat character na ginagampanan niya, lalo na that she's playing dalawang magkaibang characters. Nakita ko na talagang sineseryoso niya ang ginagawa niya."

Mike Tan: "Alam kong magaling siyang aktres, at alam ko ang kaya niyang gawin kasi dedicated naman siya bilang artista. Alam niya ang ginagawa niya. Ang mahirap lang dito, kasi narinig ko sa isang interview niya, binago niya pala pati ang boses niya bilang Alona at Perlas. Nakakatuwa na kapag nakatrabaho ko na siya, at makikita ko siya bilang Alona at bilang Perlas, tapos magkaibang tao ang kausap ko. Nakaka-excite na ganun ang makikita mo."

Aljur Abrenica: "Para bigyan ka ng ganung klaseng role, ibig sabihin para sa 'yo talaga. Ibig sabihin kaya mo. Masasabi ko na she's really doing good. Hindi nagkamali ang GMA-7 sa pagbigay ng proyekto na ito sa kanya."

Don't miss Kambal Sirena, weeknights after 24 Oras, on GMA Telebabad. -- Michelle Caligan, Elisa Aquino, GMANetwork.com