Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino, sumabak sa Pinoy Henyo ng 'Eat Bulaga!'



Sa pambihirang pagkakataon, sumabak sa pambasang laro ng bayan na "Pinoy Henyo" ng Eat Bulaga! ang TV host-actress na si Kris Aquino nitong Sabado.
 
Ka-tandem ni Kris si Bossing Vic Sotto na bida sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na "My Little Bossings," kasama sina Ryzza Mae Dizon at ang anak ni Kris na si Bimby.
 
Si Vic ang humula sa mystery word  na "Kangkong" at si Kris naman ang nagbigay ng "tip."
 
Kitang-kita na nag-enjoy si Kris at maging ang anak niyang si Bimby sa naturang game segment ng Eat Bulaga!.
 
Bukod kina Vic at Kris, naglaro din sa Pinoy Henyo sina Ms. Jacklyn Jose at Direk Bibeth Orteza, at sina Aiza Seguerra at Erika Padilla.
 
Inabot ng mahigit isang minuto bago nahuluan ni Vic ang salita pero sapat pa rin para sila naman ni Ryzza ang maglaro sa jackpot portion.

Sa jackpot portion, ilang ulit nag-pass si Vic para si Ryzza ang humula sa mga mystery words. Hindi naman siya binigo ni Aling Maliit na nasagot ang tatlo sa mga pinahulaang salita.
 
Bago ang Pinoy Henyo, nagsilbi munang judge sina Kris, Bimby, Vic at Ryzza sa Grand Finalist ng "My Little Bossings sa Sayawan."



Nagkaroon din ng dance number sina Bimby at Ryzza.
 
Mamayang gabi, Dec. 21, guest din ang mag-inang Kris at Bimby sa GMA show na ‘Vampire Ang Daddy Ko, na pinagdididahan din nina Vic at Ryzza. -- FRJimenez, GMA News