Filtered By: Showbiz
Showbiz
Lani Mercado: 'Lift everything up to God and He will take over your lives'
Napapanood natin siya bilang Olivia sa Mga Basang Sisiw, isang ulirang ina na gagawin ang lahat para sa pamilya. Ang Kapuso actress na si Lani Mercado ay ganun din sa totoong buhay para sa kaniyang mga anak na sina Leonard Bryan, Inah Felicia, Ma. Franzel Loudette, Ramboy, Gianna at Jolo. Kilala rin siya bilang butihing maybahay ni Senator Bong Revilla Jr.
Nakapanayam ng GMANetwork.com ang Kapuso actress kamakailan at nagkuwento siya tungkol sa hit family series ng GMA Afternoon prime, ang Mga Basang Sisiw.
Nang tanungin kung ano pa ang mga dapat abangan sa nalalapit na pagwawakas ng show, aniya: “We’ll keep the suspense at ayaw namin ibigay ang ending para sa inyo.”
Tuwing bumibisita ang GMANetwork.com sa set ng naturang show, kitang-kita ang hard work at dedication ng bawat cast para lalong mapaganda ang bawat eksena.
"Umaga na kami nakakauwi, as in may araw na para mas mapaganda namin 'yung show,” the Kapuso actress shared.
She added, “I'm very thankful that Mga Basang Sisiw came into my life, this kept me busy.”
Marami ang naluluha sa pinagdadaanan ni Olivia sa kuwento. Nakaka-relate rin ang mga Kapuso viewers kaya patuloy ang pamamayagpag nito. Sa katanuyan, na-extend pa ito ng ilang weeks.
Tinanong namin ang Kapuso actress kung paano niya nagagawang ganun ka-effective ang acting niya as Olivia.
"'Yung situation sa real life namin nakakatulong sa pagportray ko ngayon kay Olivia. Maraming trials naman ang everyday life ng bawat tao, ginagamit ko 'yung mga sitwasyon na 'yun,” she revealed.
Nakikita ni Lani ang kanyang sarili kay Olivia kaya humuhugot siya sa kanyang mga naging karanasan sa buhay para makuha ang tamang emosyon para sa kanyang role.
“Fighter siya. She'll do anything to fight for her family, fight for her children, and fight for the man that she loves. She's a woman of strength,” said the Kapuso actress about Olivia.
Hindi lang puro iyakan ang makikita sa Mga Basang Sisiw, bukod pa doon meron din mga nakapaloob na aral na matutunan ang bawat isa.
"Ang kagandahan sa Mga Basang Sisiw, there's this value of prayer, ang pagdarasal sa Panginoon, paniniwala sa panginoon. Things that they can't handle, the family lift it up to the Lord,” she said.
Pinapakita rin ang pagiging matibay natin bilang Filipino despite the challenges in our everyday lives.
"So nakikita natin yung distinct values ng pamilyang Filipino, na sana tuluran ng maraming pamilya sa ating bansa, especially now that we're going through rough times in the country. Maraming bagay na hindi kaya ng tao. There are things that you just have to lift up to God na para siya ang tumulong sa iyo. Makikita niyo iyan sa pamilyang ito kapag may mga bagay na hindi nila kaya, dinadasal nila, kaya natutuwa ako sa concept na 'yon ng Mga Basang Sisiw,” buong pagmamalaki niyang kuwento.
Nang tanungin namin kung ano ang maipapayo niya para sa mga taong dumadaan din sa pagsubok tulad ng nararanasan ng kanyang karakter, ito ang kanyang sinabi: "Lift everything up to God and He will take over your lives.”
Don’t miss the last few episodes of Mga Basang Sisiw after Eat Bulaga, only on GMA! For more updates of your favorite Kapuso shows and stars, keep on visiting www.gmanetwork.com. -- Eunicia Mediodia/Bochic Estrada, GMANetwork.com.
Tags: lanimercado
More Videos
Most Popular