Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kwento ng pag-ibig sa gitna ng trahedya sa Cebu sa Magpakailanman


Masasabi mo bang wala kang pinagsisisihan sa buhay mo? Paano kung sa isang iglap ay posibleng mawala sa‘yo ang pinakamamahal mo at maharap ka rin sa tiyak na kamatayan? Kuwento ng pag-asa at pag-ibig ang handog ni Tita Mel Tiangco ngayong darating na Sabado sa Magpakailanman. Sundan ang kuwento ng bawal na pag-ibig nina Quinan Alvarez at Angely Javier, at ang pagtatangi ni Jenelyn Yandog sa asawang matagal nang nawalay sa kaniya.  Silang tatlo ay ilan lamang sa daan-daang tao na kasama sa nangyarihing trahedya sa banggaan ang dalawang barko sa karagatan ng Cebu. Tatlong tao na ginawa at masasabing ibinigay ang lahat para sa kanilang minamahal. Pero kaya rin ba nilang ialay ang sarili nilang buhay para sa pinakamamahal sa bingit ng kamatayan? Alamin ngayong Sabado ang kasagutan sa Magpakailanman present: “Nalunod na Pag-asa: The Cebu Ship-Collision Tragedy.” Tampok sina Yasmien Kurdi, Rodjun Cruz, at Michelle Madrigal, sa direksiyobn ni Argel Joseph, sa panulat ni Vienuel Lavina Ello at sa pananaliksik ni Jonathan Cruz.   Kasama rin sa episode sina JC Tiuseco at Allan Paule.   Mapapanood ang Magpakailanman sa Sabado ng gabi pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko! -- GMANetwork.com