Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cast ng Akin Pa Rin Ang Bukas at Pyra, bibisita sa Diyandi Festival sa Iligan City


Makikisaya sa Diyandi Festival sa Iligan City ang mga Kapuso star na bida sa mga teleseryeng Akin Pa Rin Ang Bukas at Pyra. Sa Biyernes ng gabi (7:00 p.m.), dadalo sina Mark Herras at Gabby Eigenmann para sa Miss Iligan na gaganapin sa MSU-IIT Gym, Iligan City. Samantala, magkakaroon naman ng Kapuso Night sa Sabado, Sept. 28,  kung saan makikita ang mga bida ng primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas na sina Lovi Loe, at Rocco Nacino. Nandoon din sina Chynna Ortaleza, Jeric Gonzales at Thea Toelentino ng hit afternoon series na Pyra. Ang Kapuso Night ay idaraos sa MSU-IIT Gym, Iligan City sa ganap na 7:00 p.m.-- FRJ, GMA News