Filtered by: Showbiz
Showbiz

Magpakailanman presents: 'Child For Sale: The Buboy Liit Story'


Sa Sabado, tampok sina Camille Prats at Yul Servo sa isang istoryang susubok sa katatagan ng mag-asawa na paghahanap sa nawawala nilang anak sa episode ng "Magpakailanman: The Buboy Liit Story."   Para sa isang ina, walang papantay sa halaga ng isang anak lalo na kung ito ay nag-iisa at matagal na hinintay. Ito ang kuwento nina Wenifer at Lovelio Mendoza, mga magulang na nagulo ang buhay nang isang araw ay bigla na lang nawala ang kanilang nag-iisang anak na si Buboy Liit. Sa kanilang paghahanap sa anak, mauungkat nila ang kanilang mga paghihirap, hinagpis at problema sa isa’t-isa. At sa patuloy na pagsubok sa ng tadhana, magiging matatag pa ba ang kanilang pagsasama? Ano na lang ang gagawin nila sakaling hindi na nila mahanap ang anak? Alamin ang kahihinatnan ng kanilang kuwento, sa "Child For Sale: The Buboy Liit Story, ngayong Sabado sa Magpakailanman, featuring Camille Prats at Yul Servo bilang mga magulang ni Buboy Liit.   Ito'y sa panulat ni Gilbeys Sardea, base sa pananaliksik nila Karen Lustica at Stanley Pabilona. Mapapanood ang Magpakailanman tuwing Sabado, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko. - GMA Network.com

More Videos