Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lauren Young says sister Megan deserves to win Miss World Philippines


Walang mapagsidlan ang kasiyahan ni Lauren Young nang manalo ang nakatatanda niyang kapatid na si Megan Young sa coronation night ng Miss World Philippines 2013 noong Linggo, August 18. "Masaya. Super-masaya kasi nanalo siya," nakangiting sabi ni Lauren nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng coronation night. Patuloy niya, "I wasn't expecting kasi baka sabihin ng tao ay mayabang ako. "Siguro it's more of... I know that my sister deserves to win kasi nakita ko kung paano na nag-work hard and trained well. "Nakita n'yo naman, di ba? Ang galing niyang mag-walk, ang gaganda ng mga sagot niya, and she really exuded confidence." Pero aminado si Lauren na kinabahan din siya lalo na't marami ring magaganda at matatalinong mga kandidata. "Yeah, kinabahan ako. I was with my friends tapos nakaganyan talaga ako sa kanila," sabay pagmuwestra sa dalawang kamay insinuating na nakahawak siya sa mga kamay ng mga katabi niyang kaibigan. "Every time na lumalabas siya, cheer kami nang cheer. 'Ang ganda-ganda ng ate ko!' sabi ko sa mga katabi ko. "I am really very happy for her 'coz this is one of her dreams. "Nakikita na unti-unti nang natutupad ang mga pangarap niya and I wish her luck." SUPPORT FOR MEGAN. Bilang kapatid, paano niya sinuportahan si Megan bago pa ang pagkapanalo nito? Paano niya ito susuportahan ngayong beauty queen na ito? Sabi ni Lauren, "The whole family is very supportive of her. "I would always, always tell her na kaya niya 'yan. Na wala namang easy sa buhay na ito. "Kaya yung pagod and puyat niya, I know it will pay off and it did now. "Kami, we've been planning even before na in case she wins, the whole family will go to Indonesia to support her and some of our friends. "Kaya nga, now we're hoping na makakuha kami ng early booking for our flight then makabili ng tickets and we will be there. "Yes, one hundred percet ang support namin sa kanya. "Sabi ko nga sa kanya na even if she doesn't win in Indonesia, she's still my Miss World." Si Megan ang magre-represent sa Pilipinas sa Miss World 2013, na gaganapin sa Indonesia sa September 28. Sabi pa ni Lauren, "Yes, we're very close. I adore my sister so much. "She's one of the persons I look up to 'coz she's very, very smart. "She has a beautiful heart and siya yung tipo ng tao na uunahin muna niya kaming lahat and all her friends before herself. "Ganoon talaga ang sister ko. She's so gracious." SACRIFICES. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Megan ay sinabi nitong handa siyang isakripisyo ang ilang importanteng bagay sa buhay niya para lang sa katuparan ng kanyang pangarap. Kasama na rito ang lovelife niya. Ano ang masasabi ni Lauren tungkol dito? Aniya, "We've been talking about this before pa. "Kasi siyempre, sayang naman yung opportunities na dumarating sa kanya kung uunahin pa niya ang iba. "Teary-eyed talaga ako. Pinapaiyak pa n'yo ako," sambit niya. "I was very nervous for her kanina. I kept on telling myself na I hope she will do a great job—and she did, di ba? "She's very stressed out but when you look at her, she's very happy na she's part of this beauty queen's world. "She was really very excited and, look, it worked our for her." Very proud din si Lauren na ang kanyang ate made another mark sa buhay nito. From being an actress-TV host, ngayon ay isa na rin itong beauty queen. "Usually, it's the other way around, di ba?" sabi ng 19-year-old actress. "Ako, I'm glad and wala naman sa akin yun if you're an artista, a host before ka naging isang beauty queen or the other way around. "It's all different things naman, e. It's just... it will put you on the spot or put you into limelight. "Siya naman, she joined kahit artista na siya 'coz she has a cause. "She wants to represent our country and it's not for her personal gain naman, e. "It's because also she's a proud Filipino and she wants to bring home the crown from an international contest kung papalarin siya." Kung sakali raw hindi nanalo ang kanyang kapatid, lahat naman sa kanilang pamilya ay handa na sa magiging intriga kay Megan. Kahit nga raw ngayong nanalo ito, ini-expect na nilang mayroon pa ring mang-iintriga sa kapatid. "We're open naman to that, e. Pero makakalimutan naman ng buong tao 'yan, e. Makakalimutan din 'yan. "Sabi ko nga sa kanya, 'If you win or lose, may sasabihin talaga.' "But if it's a fair game naman, she doesn't have to worry. "At saka, even artista, it didn't give her an edge over the other girls. Ginawa lang talaga ng ate ko ang best and ang lahat-lahat." LAUREN ON JOINING BEAUTY PAGEANTS. Inalam ng PEP kay Lauren kung mayroon din ba siyang planong sumali sa anumang beauty pageant. Tulad kasi ng kapatid niya, maganda, matalino, at nasa edad na rin siya para sumali. Sagot ng Mundo Mo'y Akin star, "It's not my thing. Hindi ko talaga kaya. "Yung makita ko nga lang yung mga ginagawa niya, parang ang hirap talaga. Parang mas mahirap siya kaysa kung nagte-taping ka lang. "I don't think I'm cut out for it and I'm scared. "Meron akong feeling na kapag I don't win, iba ang mararamdaman ko. And I don't want to put myself in that position. "Kasi, it's not for me talaga. I don't see myself winning a crown." Paano kung may isang taong pumilit sa kanya dahil may potential din siyang maging isang beauty queen? Natatawang sabi ni Lauren, "Gagayahin ko ate ko! "'Coz when Ate joined, walang nagpilit talaga sa kanya. "Before, may mga nagsasabi sa kanya pero she turned them down. "So, I don't want to put myself in the same position at lalo na ako na hindi ko talaga hilig. "I just love to watch them pero yung ako na ang nasa stage, hindi ko talaga kaya. "I don't want to put the pressure on me. Besides, kung ayaw mo talaga, huwag mong pilitin din ang sarili ko 'coz the outcome won't be good." Nagpasalamat na rin si Lauren sa mga sumuporta sa kanyang kapatid. "Thank you, thank you talaga," sabay lagay ng isa niyang kamay sa kanang dibdib. "My sister's victory wouldn't be sweeter kung hindi n'yo siya ipinag-pray, tinulungan, at kung wala kayong tiwala sa kanya. "Kaming buong family, we know na my ate owes so much from you and hindi niya 'yan makakalimutan for the rest of her life. "Wish ko lang na i-continue n'yo ang prayers when she competes sa Indonesia and hopefully she brings home the crown. Please... please." -- Glenn Regondola, PEP  
Tags: lauren, young