Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pag-iibigan ng isang pari at nobisiyada, tampok sa Magpakailanman
Sa darating na Sabado, alamin ang kuwento sa likod ng "bawal" na pag-iibigan ng isang pari at isang nobisiyada o bagong nagma-madre sa "Magpakailanman" na pangungunahan nina Pauleen Luna at Yul Servo. May kasabihan na may tamang pag-ibig na naghihintay sa bawat nilalang sa mundo. Para sa ordinaryong tao, ito ay pag-ibig na makukuha mula sa kanilang kapwa. Pag-ibig na mauuwi sa kasalan at pagkabuo ng isang pamilya. Pero papaano kung isang nobisyada ang umibig? At paano kung ang kanyang iibigin ay isa ring alagad ng Diyos? Ngayong Sabado, samahan si Mel Tiangco sa pagtalakay sa buhay at pag-ibig ni Myrna Rivas, isang dating nobisiyada na iniwan ang paglilingkod sa Panginoon matapos siyang umibig sa isang pari. Alamin kung paano nilabanan ni Myrna ang kanyang mga damdamin sa pari, at kung anong hirap ang tiniis para ipaglaban ang pag-ibig na sa tingin ng marami ay bawal. Ipaglalaban din kaya siya ng inibig niyang pari, lalo na't lumitaw na nagdadalang-tao siya? Kasama nina Pauleen at Yul sa Magpakailanman: Kasalanan ba ang umibig, sina Lloyd Samartino, Melissa Mendez, Michael Rivero, Menggie Cobarrubias, at Rosemarie Sarita. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Maryo J. delos Reyes, mula sa panulat ni Mary Rose Colindres, at pananaliksik ni Cynthia delos Santos. Alamin ang kuwento ng buhay ni Myrna Rivas sa Magpakailanman, pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko. -- GMANetwork.com
Tags: magpakailanman, pauleenluna
More Videos
Most Popular