Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ang naging buhay ng mga anak ni Flor Contemplacion sa Magpakailanman sa Sabado
Taong 1995 nang bitayin ang overseas Filipino worker na si Flor Contemplacion sa Singapore. Ang pangyayaring ito ay gumimbal sa mga Pilipino nang panahong iyon. Inisip ng pamilya ni Flor na sa pagkamatay ng ina ay mamamatay na rin ang interes ng mga tao sa kanila. Pero ang hindi nila alam ay simula pa lamang ito ng kanilang kalbaryo. Dahil sa pagiging sensational ng nangyari sa kanilang ina, at dahil na rin sa mga pelikulang ginawa na laging sumasariwa sa isipan ng mga tao kung sino si Flor Contemplacion, ilang mga opisyal ng gobyerno ang nag-alok at nagbigay ng tulong sa naiwang pamilya ni Flor. Pero kaagad ding natuklasan ng mga anak ni Flor na ang mga pangako at tulong ay may hangganan din. Hindi sinayang ni Russel ang pagkakataong ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno. Hindi man nagtagal ang suporta sa kanilang pag-aaral, pinanindigan ni Russel na matupad ang pangarap ng ina na dahilan para ito pangingibang-bansa -- ang makapagtapos ng pag-aaral, at makagawa ng paraan para maangat ang sarili sa kahirapan. Pero may mga pagkakamaling nagawa si Russel, mga pagkakamali na kaniyang muling haharapin ng wala ang minamahal na ina, na may halo na ring tukso dahil sa perang ipinagkaloob sa kanila ng mga taong nagmamalasakit. Habang isa-isang nasasadlak ang pamilya ni Russel sa droga at sa pangako nitong malaking kita, ipagpapatuloy ni Russel ang kaniyang pagpupursige para sa sarili, para sa mga anak, at para sa mga kapatid na naligaw ng landas. Pero paano haharapin ni Russel ang mga bagong pagsubok ng buhay kung ang lalaking minahal, ang inaasahang maging sandigan ay masilaw na rin ng madaliang pera? Magagawa pa bang itama ni Russel ang mga pagkakamaling ginawa ng mga kaanak? Maibabalik ba ni Russel ang dangal sa pangalan ng ina na isinakripisyo ang buhay para sa magandang buhay na hindi naman nakamit ng mga anak? “Life after the Death of Flor Contemplacion” features Alessandra de Rossi as Russel Contemplacion; researched by Karen Lustica, written by Vienuel Ello, and directed by Gil Tejada. - GMANetwork.com
Tags: magpakailanman
More Videos
Most Popular