Filtered By: Showbiz
Showbiz

Komedyante at TV host na si Ryan Bang, kinasuhan ng tax evasion


Sinampahan ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang komedyante at television host na si Ryan Bang. Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, nabigong magsumite at magbayad ng kanyang buwis si Ryan (Hyun Sung Bang sa tunay na buhay), sa taong 2010 at 2011 na aabot sa P1.8 milyon. Nakasaad sa reklamong inihain ng BIR sa Department of Justice laban sa komedyante, na umabot umano sa P3.05 milyon ang kinita ni Ryan sa nasabing panahon batay sa listahan ng binayarang buwis ng mga kumpanya na kanyang pinagtrabahuhan. Sa kabila nito, sinabi ng BIR na walang income o percentage tax return na isinumite sa ahensiya ang komedyante. Natuklasan umano ang hindi pagbabayad ng buwis ni Ryan sa isinagawang random check ng BIR sa ilang personalidad. “Kapag artista ka, hindi na kami naghihintay na may magreklamo kasi nakikita naman sa revenues 'yan. So dapat nagbabayad kayo ng taxes properly. If you earn income in the country, you have to pay taxes," ayon kay Henares. - EV/FRJ, GMA News

Tags: taxevasion, bir, taxes