Filtered By: Showbiz
Showbiz

Victor Neri breaks up with Michelle


Kahihiwalay lamang ng aktor na si Victor Neri sa kanyang girlfriend na si Michelle Madrigal. Kaakibat ng isyung ito, napapabalita naman ang pagiging malapit ni Victor sa Malaysian beauty queen-actress na si Carrie Lee. Magkasama sina Victor at Carrie sa GMA-7 afternoon drama series na Muli, kung saan kasama rin si Alfred Vargas. Sa live interview ng S-Files kay Victor last January 21 ay nilinaw niya ang mga isyung ikinakabit sa kanya ngayon. Una ay binigyang-linaw ng aktor ang pagtatapos ng relasyon nila ni Michelle. "Siguro, it just didn't work. May relationships naman na ganun. Kasi nag-uusap naman kami ni Michelle so I think that's it. Yun ang gusto kong i-clear. It's also unfair to Carrie because magsu-shooting lang siya 'tapos napasok sa ganito. Hindi siya yung rason," paliwanag ni Victor. Sa kabila nito, aminado naman si Victor na hindi mahirap ang humanga kay Carrie. Aniya, "Of course, sa set nagiging close ang mga co-actors, di ba? She's a very nice girl, very pretty, very talented. You can't say anything." Kuwento pa ni Victor, "We talk. Nalaman niyang matagal-tagal na akong umaarte. Nagpapaturo siya kung ano ang magandang atake. Nagbibigay ng pointers. Lahat kami magkakasama sa isang standby area." Nabanggit din ng aktor na mayroon silang mga bagay na napagkakasunduan ni Carrie. "Because I'm also a guy who speaks my mind. Masarap siyang kausap. I think yun naman ang pinakaimportante e. I think any guy would like her," sabi ni Victor. Inamin din ni Victor na may pagkakataon na isa siya sa mga nagpapasyal kay Carrie sa Pilipinas. "Naa-assign ako ng GMA-7!" biro niya. "Kung may oras, lahat kami lumalabas. Sayang naman e. Yung nakikita lang niya yung set tsaka yung hotel," pahabol niya. Tinanong si Victor ng S-Files co-host na si Pia Guanio kung posibleng mapalapit ang damdamin nito sa Malaysian beauty queen-actress. Tugon ni Victor, "We're not thinking about that yet. Tapusin muna namin yung show. Nasa industry tayo. Lahat nama-magnify so sometimes we have to clarify things." Sa pamamagitan ng taped interview sa S-Files din, nagbigay ng kanyang pahayag si Carrie tungkol kay Victor. "I think he's a very nice guy. He's kind. Of course I like him because when I talk to him, it's very relaxed. When we talk, we don't keep it, we just express our feelings. We talk about our past. We talk about our childhood," sabi ni Carrie. Gaya ni Victor, kahihiwalay lang din ni Carrie sa Malaysian boyfriend nito. Una nang nabalita na naging malapit si Carrie kay Alfred. Itinanggi na nina Carrie at Alfred na may namumuong pagtitinginan sa kanilang dalawa. Ngayon, pangalan naman ni Victor ang ikinakabit kay Carrie. Itinanggi rin ni Carrie na mayroon siyang kinalaman sa hiwalayan nina Victor at Michelle. Ani Carrie, "I don't really know about it. It's not my fault." - Philippine Entertainment Portal