Filtered By: Showbiz
Showbiz

Aktor na si Matt Evans, nakakulong dahil sa reklamong physical injuries


Kasalukuyang nakakulong ang aktor na si Matthew Nicholas Evans o mas kilala bilang si Matt Evans sa Pasig City Police Station matapos itong ireklamo ng physical injuries ng kanyang nobya. Ayon sa Stot report, nirespondehan ng Barangay San Miguel Security Force ang naturang reklamo ng kasintahang si Johnellyne Hickins sa ganap na alas-3 ng madaling araw noong Oktubre 21, 2012 sa kanyang tirahan sa Pasig City. Ang naturang balita ay ikinumpirma ng DZBB reporter na si Glen Juego sa kanyang opisyal na Twitter account (@glenjuego). "Aktor na si Matt Evans, nakakulong pa rin sa Pasig Police Station matapos ireklamo ng pananakit ng kanyang nobya #DZBB," pahayag nito. Ang kasong physical injuries na inireklamo laban sa aktor ay alinsunod sa Republic Act No. 9262 o "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004". — BM, GMA News