Very proud ang mga host ng Startalk TX sa narating ng kanilang showbiz talk show na umabot na ng 17 taon. Sa panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi nina Ricky Lo, Lolit Solis, at Butch Francisco ang kani-kanilang wishes at ang dahilan kung bakit tumagal ang programa. “It’s a show that is very positive. Maski ang mga tinatalakay na issues ay seryoso, hindi offensive. At masayang kasama si Lolit, si Joey (de Leon), si Butch, and the whole staff, the people involved in it. Talagang maganda yung samahan. It helps, it shows on the screen," ayon kay Ricky nang makausap sa official photo shoot para sa kanilang anniversary celebration. Para naman kay Manay Lolit Solis, na isa sa mga original host, mahalaga ang pagiging isang pamilya nila sa
Startalk. “Kaya siguro nagtagal yung
Startalk kasi we are one big happy family. Talagang ang feeling mo you look forward doon sa Saturday, magsasama-sama na naman kayo. The other day nga, may ikinasal kaming kasamahan, you get the feeling na itong mga taong ‘to nag-grow sila sa eyes mo," paliwanag niya. Sinang-ayunan naman ito ni Butch Francisco na nagsabing: “It’s a combination of good staff. Like what I have been telling people, I feel lucky because any show I go to, I get the most talented and most brilliant staff. [They are] really the best writers anyone could ever have. Mga siga, pero magaling." Wish naman ng tatlo na sana ay tumagal pa ang
Startalk, at inihalintulad pa ito sa variety show na
Eat Bulaga. “Ang wish namin maging kamukha ng
Eat Bulaga na 33 years. Kung nag-alaga sila ng bata, by now matandang dalaga na ‘yon kung hindi nag-asawa. Kung nag-asawa, mayroon na siyang baby, di ba? Kagaya nung nakikita mo kina Tito, Vic, and Joey doon sa Eat Bulaga bonding na sila talaga naggo-grow together, nagsasama-sama sila everyday," paliwanag ni Manay Lolit. Hindi man daw nila ma-predict kung ano ang mangyayari sa showbiz in the coming years, isa lang ang maipapangako ng show – ang fair and unbiased treatment sa lahat ng issue. “Kasi yung mga issue hindi mo naman masasabi kung kailan sasabog. Ang promise lang namin ay magandang treatment sa mga issues, everybody will have a chance to air their side, and fair na fair na reporting," ayon kay Ricky. Tugon naman ni Manay Lolit: “Usually kasi ‘di ba naggo-grow yung show together with the environment, kung ano nangyayari sa showbiz. Sabi nga, ang Startalk, The Showbiz Authority. Kung ano man nangyayari sa paligid, we make sure na mauuna kami, makuha namin lahat ng side, makuha namin ang talagang totoo regarding that issue." “Siguro naman sa tagal namin, ako nga 14 years na, niloko ko ba kayo kahit isang beses? Hindi kami mambobola, sasabihin namin kung ano ‘yung totoo. Kung ma-deliver namin, we will deliver it. Kung hindi nakuha, we will tell you na hindi namin nakuha pero pipilitin namin. And as much as possible, nakukuha namin," pahabol ni Butch. Panoorin ang 17th anniversary celebration ng
Startalk TX, entitled ‘The Truth at 17’, ngayong Sabado, October 20, pagkatapos ng
Eat Bulaga!. --
Michelle Caligan, GMANetwork.com/FRJ, GMA News