Filtered By: Showbiz
Showbiz

Reese Tayag, pinakahuling natanggal sa Protégé


Mula sa team ni Ricky Davao sa Luzon ang pinakabagong contestant na natanggal sa nakaraang fourth gala night ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break. Si Reese Tayag ng Northern and Central Luzon team ni Direk Ricky ang nakakuha ng pinakamababang boto na dahilan ng kanyang pagkakatanggal nitong Linggo. Sumabak sa matinding acting challenge ang Top 15 proteges with the Diamond Star Ms. Maricel Soriano, at nakagawa sila ng limang short films sa ilalaim ng pamamahala ni Direk Brillante Mendoza. Ang naturang short films ang naging basehan ng judges at TV audience sa kanilang pagboto. Nabigyan naman ng special awards ang ilan sa kanila sa ipinakitang galing sa pag-arte. Hinirang na Maricel’s Choice for Best Performance by a Female Protégé si Elle Ramirez habang Best Performance by a Male Protégé naman si Andres Vasquez. Ang Visayas team na mentored by Jolina Magdangal ang ginawaran ng Best in Ensemble Acting. Muling tinawag si Mega Manila protégé Andres Vasquez para sa Director’s Choice for Breakthrough Protégé Performance award. Kasama ni Reese sa Bottom Three ang kapwa Northern and Central Luzon protégé na si Japs de Luna at Mega Manila protégé Vien Alen King. Patuloy na subaybayan ang paglalakbay tungo sa tagumpay ng inyong paboritong protégé contestants sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break, dito lamang sa GMA 7. -- FRJ, GMANetwork.com