
Hatid nina Pareng Bitoy at Pareng Ogie ang isang gabi ng katatawanan, kuwentuhan at kantahan sa "Pare & Pare" ngayong Linggo ng gabi! Isang bonggang boy-band version ng "Only Girl" ni Rihanna ang kakantahin nila para sa mga humahabol sa pagiging Chief Justice nominee sa hottest reality talent search, ang “Battle For The Big Chief Justice Break!” Ano naman kaya ang mangyayari kung haharap sa interview ng kambal na Kyeme at Doray ang komedyanang reyna sa takilya na si Eugene Domingo? Bakit pinapakialaman ng kambal ang pangalan, talent fee at lovelife ng single funny girl? At bakit kaya nagalit si Eugene nang tanungin siya ng dalawa kung ano ang favorite color niya? Abangan din ang mga bad weather survival tips ni Ka Tyani dahil sa panahon ngayon dapat lahat tayo ay super ready! Alamin din kung sino ang mananalo kina Tado at Onyok Velasco sa mga latest na Pinoy Olympic sports Hulaan naman kung sino ang mga celebrity politicians na may mga nahukay na pictures sa Intsagrabe! guessing game. Lahat yan pati ang kantahan ng I Doo Bi Doo Bi Doo ang ihahain nina Pareng Bitoy at Pareng Ogie sa "Pare & Pare" ngayong Linggo ng gabi sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng "Protege: The Battle for the Big Artista Break."
— GMANetwork.com