Manny Many Prizes, lumipat na!
Mula sa Sabado, mapapanood na tuwing Linggo ang Kapuso show ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao na nagpapaulan ng papremyo, ang Manny Many Prizes. At dahil anniversary month ang Agosto, sisimulan ang unang Linggo ng buwan na may bonggang pasabog. Powerful voices ang maglalaban-laban sa grand finals ng "Boksing-along Grand Belter Female Division." Dalawang round na magbabakbakan sa kantahan ang mga kalahok, matira matibay ang labanan. Bukod kay Ninong Manny, magsisilbing judge sa "Boksing-along Grand Belter" Female Division sina Regine Velasquez at Agot Isidro. Alamin kung sino kina Mary Joy Belen, Larnie Rose Cayabyab at Marife Villacorta ang tatanghalaing kauna-unahang Boksing-along Grand Belter! Hindi pa rin magpapaawat si Ninong sa pamimigay ng premyo. Sa "Easy Manny," isang milyong piso ang nakataya rito na maaaring mapanalunan. Tutukan ang Manny Many Prizes sa bago nitong oras at araw, Linggo, 2:45 p.m. pagkatapos ng Party Pilipinas! - GMANetwork.com