Isa na siguro si Grace Lee sa pinaka-controversial radio DJ at TV host sa bansa ngayon. Sa live interview with
Startalk TX, last Saturday, sinagot niya ang lahat ng mga ibinatong katanungan sa kanya. Sa unang pagkakataon, hinarap ni Grace ang maaanghang na isyu at sinagot nito ang lahat ng tanong ng mga fearless but kwelang host ng
Startalk TX na sina Joey De Leon at Lolit Solis.
Joey: Kailan nagsimula ang love affair mo sa pagluluto?
Grace: Ever since pa kasi noong bata pa ako, my mom kasi may-ari siya ng isang restaurant at mahilig talaga siyang magluto. So bata pa lang sinasamahan ko na âyong mom ko as kitchen, and she would make me help her. Kaya bata pa po talaga ako may interest na ako sa cooking.
Lolit: Sa buhay mo, maraming kontrobersya ang nagdaan. Paano mo nalampasan ang mga iyon?
Grace: Oo nga po eh. Di ko nga po alam kung paano nangyari âyon eh. You know itâs all in Godâs time. Na-realize ko nga po na di ko kayang kalabanin or I cannot force certain things from happening and not happening in my life. You know Iâve learned to surrender everything to the Lord. Kasi kung pipilitin ko, hindi talaga mangyayari at ako lang din âyong masasaktan at masasaktan din âyong mga taong na pumapaligid sa akin. So I really learned to let go, and I think Iâve became wiser in the past couple of months.
Joey: Kung sakaling magkaroon ka ng sarili mong restaurant, anong klaseng restaurant ang itatayo mo?
Grace: Korean. Kasi yung Korean food na niluluto po ng mom ko, na recipe (was) handed down to me. So sabi ko nga sa nanay ko, magbukas tayo ng restaurant na Korean. Very good na quality ng Korean food na mura para ma-afford.
Joey: Naniniwala ka ba na ang the fastest way to a manâs heart is through his stomach? Kung naniniwala ka roon, anong pagkain ang ihahanda mo ?
Grace: Ay naniniwala po talaga ako doon! Naku, ako po marami. Actually, ang passion ko po talaga ay Italian food. Pero siguro po, gagawa ako ng steak at bologna na pasta âyong simple lang basta masarap or osso buco, masarap din po âyon. Or mga ribs, diba po kasi ang mga lalaki mahilig po talaga sila sa karne.
Lolit : Sa lahat ng iniluluto mo at specialty mo, ano ang pinkapaborito ni PNoy?
Grace: Actually, mahilig din po siya sa beef. Mahilig din siya sa Korean food at bulgogi.
Joey: Ikinumpara mo daw si PNoy sa isang cheese fondue? Bakit sa cheese fondue?
Grace: Actually marami po silang tinanong na names kung paano ko i-identify ang isang tao, pagdating sa pagkain. Nagulat po ako ng bigla nila siyang binanggit. Naisip ko agad fondue kasi mahilig po talaga siya sa fondue na cheese. Ang reason ko po kasi napaka-simple po siyang dish, and the flavors are so deep and interesting.
Lolit: Kukunin mo bang guest sina PNoy or si Shalani Soledad Romulo? Tutal stars din naman sila diba?
Grace : Sa ibang station naman po kasi si Ms. Shalani, and the President naman po is very busy ang work schedule, always on the go, and has a lot of things to take care of. Panoorin ang
Cooking with the Stars tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes (9:55 a.m. hanggang 10:05 a.m.) sa GMA 7, at may replays sa GMA News TV tuwing Martes at Huwebes tuwing 7:00-7:10 p.m. at sa Sabado (6:45 p.m. hanggang 6:55 p.m.). -
GMANetwork.Com