Filtered By: Showbiz
Showbiz

Misis ni John Estrada na si Priscilla Meirelles, nagsilang ng healthy baby girl


Nagsilang ng malusog na baby girl ang misis ni John Estrada na si dating Brazilian beauty queen Priscilla Meirelles. Sa “scoopbox" ng Philippine Entertainment Portal (PEP), sinabing isinilang ni Pricilla ang first baby nila ni John nitong madaling araw ng February 6. Ang baby na tumitimbang na 6.13 pounds ay pinangalanan nilang Sammanta Anechka. Sina John at Pricilla ay ikinasal noong Pebrero 2011 sa Poro Point, La Union. May apat na anak si John sa dati niyang asawa na si Janice De Belen. - FRJ, GMA News