Filtered By: Showbiz
Showbiz

More details on Shalani Soledad-Roman Romulo wedding revealed


Limang araw mula ngayon, si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad ay lalakad papuntang altar upang makipagpalitan ng pangakong "I do" sa kanyang magiging kabiyak na si Pasig Representative Roman Romulo. Ang kasal nina Shalani at Roman ay gaganapin sa Linggo, January 22, sa St. Benedict Ayala Westgrove, Sta. Rosa, Laguna. THE WEDDING INVITATION. Lumabas at naipamigay na rin ang kanilang mga wedding invitation. Simple lamang at wala itong anumang burloloy. Tanging "RS"—initials ng pangalan nina Roman at Shalani—ang makikita sa off-white invitation nila. Nakalathala rin sa imbitasyon ang mga magulang nina Roman at Shalani na sina Honorable Alberto Romulo at Lovely Romulo, at Evelyn Soledad-Yumol. Isinama rin sa imbitasyon ang pangalan ng biological father ni Shalani na si Adolfo Aguirre, dating pinuno ng Banco Filipino. Matatandaang noon lamang 2010 nakilala ni Shalani ang kanyang tunay na ama. Kung kaya't sobrang espesyal ang araw na ito para sa Wil Time Bigtime co-host. ENTOURAGE. Magiging sentro ng entourage ang 22 principal wedding sponsors at 21 flowers girls nina Roman at Shalani. Si Dennis Lustico ang designer ng ensemble ng female entourage. Lavender at green ang color motif ng wedding. Ang Best Man ni Congressman Romulo ay si Jun Cabangon, ang chairman at CEO ng Fortune General Insurance. Ang Matron of Honor naman ni Shalani ay ang kanyang childhood friend na si Joy Marie Castellvi. Kabilang sa principal sponsors sina Secretary Albert del Rosario, Ramon Ang, Ben Chan, PLDT and TV5 chairman Manny V. Pangilinan, former Las Piñas Representative Cynthia Villar, at Senator Ping Lacson. Ang groomsmen ni Roman ay sina Representatives Rudy Fariñas at Anton Lagdameo, ang kabiyak ni Dawn Zulueta. Kabilang sa bridesmaids sina Catherine May Hervas, Annaliza Jacinto, at Diamond Villar. WEDDING GOWN. Ang off-white wedding gown ni Shalani ay disenyo ng batikang designer na si Inno Sotto. Gawa ito sa tulle organza na may French lace bodice. Hinalintulad daw ang disenyong ito kay Shalani na "demure, simple, at elegante." -- Elli Alipio, PEP