Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: ‘Sa tatay ko rin nanggaling na parte na si Mark ng family,’ says Ynna Asistio


Nagpahayag na noon ang ina ni Ynna Asistio na si Nadia Montenegro na pabor ito sa nobyo ng anak na si Mark Herras. Ngayon ay inihayag ng dalaga ang saloobin ng kanyang ama na si dating Caloocan Mayor Macario “Boy" Asistio tungkol sa binata. Mark Herras and Ynna Asistio are reunited on television once again, and this time for a good cause – ang Puso ng Pasko: Artista Challenge. Dito ay marami silang pagdadaanang challenges for the sake of charity. Hindi naman nagkakalayo ang kanilang onscreen na pagsasama sa kanilang offscreen relationship. They have been through many challenges and intrigues, at ngayon they are going stronger than ever, at halos di na sila mapaghiwalay. “Nakakatuwa rin kasi humahanap talaga siya ng time. Kasi sabihin na natin, ang pahinga lang talaga niya is Tuesday, minsan may rehearsal ako, minsan ganyan, minsan inaantay niya ako sa bahay para magkita kami kahit sandali," kuwento ni Ynna . "Pag kunyari, on-call siya sa taping, magte-text siya sa’min. Minsan ite-text niya si Mama [Nadia Montenegro], magdi-dinner siya, or kung wala man ako sa bahay, nandun lang siya sa bahay, kasama niya family ko," she continued. Nakatutulong naman para mapanatiling malakas ng kanilang relationship ang kanilang pagiging pribado. Kahit na maraming intriga ang naibato sa kanilang relationship in the past ay matibay pa rin ang kanilang pagsasama because they keep their relationship as private as they can sa showbiz. “Lagi namin ine-explain na hindi naman namin kailangang ibulgar sa buong mundo yung relasyon namin e. Pareho kaming artista. Gusto namin kahit papaano, merong something na private lang sa amin. Gusto namin, yung relasyon namin, ayaw naming masira yun," paliwanag ng dalaga. It is common knowledge na gustong-gusto naman ni Nadia si Mark para sa kanyang anak. But how does the man of the house – ang ama ni Ynna na si dating Mayor “Boy" Asistio. “Si Daddy.. ang nakakatuwa kay Daddy kasi nga, dati, sinasabi ko, may kasama lang kaming lalake, iba na ang itsura niya. So nakakatuwa kasi tanggap na tanggap niya si Mark. Siguro naman kasi hello, three years nang nagpupunta yung tao sa bahay," pagbubunyag niya. “And para magpakita, kausapin niya, tingnan niya sa mata yung tatay ko, alam ng tatay ko na maganda naman yung intensiyon ng tao so wala rin namang reason para magalit siya kay Mark dahil okay naman e, okay naman lahat ng nangyayari, and sa tatay ko rin naman nanggaling na parte na si Mark ng family," ayon pa kay Ynna. Inamin ng dalaga na nakagugulat para sa kanya ang pagtingin ng ama kay Mark dahil old-fashioned daw ang dating alkalde: “Nakakagulat ‘yon dahil nga sobrang old-fashioned nga ni Daddy na para marinig mo na galing sa tatay mo yun, parang ano na talaga, importante na talaga si Mark sa family." - Karen de Castro, iGMA.TV