Thankful si Glaiza de Castro sa patuloy na magandang takbo ng
Grazilda, at hindi pa rin siya makapaniwala sa success na kanyang tinatamasa ngayon. Very busy ang taping schedule ni Glaiza with
Grazllda, at matapos ang lahat ng mga nagawa ni Grazilda in the past episodes, ngayon naman ay aabangan ng mga manonood ang pagiging torn between two loves niya. Of course, aasahan rin na gagawin ni Grazilda ang lahat para lamang sa pag-ibig. Hindi ba nabibigla si Glaiza sa mga ginagawa ng kanyang character na si Grazilda sa show? “Siyempre, every script na dumadating sa’kin, nawiwindang ako sa mga pinaggagagawa niya. Pero nakakatuwa kasi parang different talaga yung approach," she shared. Ayon naman kay Glaiza, sa kabila ng mga nagagawa ni Grazilda para sa pag-ibig ay isinasaisip pa rin nila ang kanilang mga manonood. And just like the fairy tales that last a long time, hindi lamang entertainment ang nais nilang ibahagi sa kanilang mga viewers. “Yung show naman talaga, unang-una, para sa mga bata, and very careful kami sa mga words namin, sa mga pinapakita namin sa script. Kasi gusto rin namin na maging mabuting example. Kumbaga, yung show na ‘to, hindi lang magbibigay ng istorya, magbibigay din ng aral sa mga kabataan. Yung ganun, good morals," paliwanag niya. Samantala, patuloy ang magandang performance ng
Grazilda sa primetime, and very thankful si Glaiza dito. “Nagpapasalamat ako ng sobra-sobra kasi ang sarap pakinggan ng mga comments nila, yung pati sila nadadala din sa show. Tapos everytime na natatapos yung episodes, ayan na yung Twitter, nagco-comment na sila. So parang ang laking tulong din talaga na nagbibigay sila ng ganung comments kasi sa amin, ano yun e, parang nagsisilbing inspiration para mas lalo pang ganahan sa work," she said. “Hindi mo na naiisip yung pagod e, and mas lalo kang ginaganahang magtrabaho and pagbutihin ang trabaho na yun kasi maraming naka-suporta, marami nang natutuwa so ayaw naman namin silang i-fail at bigyan ng so-so performance, ‘di ba. So parang they deserve to be entertained. And nagpapasalamat ako dahil sa suporta nila dun sa show, and sana wag silang magsawa," patuloy niya. Ano naman kaya ang kanyang pakiramdam tungkol sa success na tinatamasa niya at ng kanyang show ngayon? “Minsan natutulala na lang ako na parang minsan, hindi ko namamalayan, ‘Ay, kailangan ko palang ngumiti.’ Kasi parang yung itsura ko, parang ‘Paano ‘to nangyayari?’" pag-amin niya. “Hanggang ngayon, surreal pa rin yung dating. Pero nakakatuwa lang dahil paminsan, hindi naman lahat, nakaka-experience ng ganito e. So ako, I take it as parang once in a lifetime lang, so I enjoy it na lang." -
Karen de Castro, iGMA.TV