Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Ahron Villena on Survivor Philippines: ‘Make or break sa’kin ito’


Ahron Villena talks about his Survivor Philippines experience and about the possibility of becoming an official Kapuso. Masaya si Ahron sa pagkakasama niya sa Survivor Philippines Celebrity Showdown, and each week he survives, he proves that he is one of the castaways to watch out for.

Pinaghandaan ba niya ang pagsali niya sa Survivor Philippines? “Actually, pinaghandaan ko. Pero even before naman, naggi-gym na talaga ako three or four times a week. And then sabi ko nga sa sarili ko, yung pagsali ko dito, yung paggi-gym ko may napuntahan," he said. “Siyempre dito hubaran. Yung mga kasama ko dito, sina Aki [Akihiro Sato], sina Jon Hall, alam mo yung tipong matangkad, malalaki katawan, si Ervic [Vijandre], ‘di ba. Hindi ko gustong i-expose yung katawan ko, pero siyempre kailangan mong gawin. Sa mga challenges, hubaran. Kumbaga hindi ako nahihiya," paliwanag pa niya. But aside from the physical preparation na kailangan para sa game ay kinailangan din niyang ma-survive ang harsh conditions ng kanilang isla sa Thailand, and viewers can see how the tribes manage every week. May nagbago ba sa kanyang mga paniniwala at sa kanyang pamumuhay mula nang sumali siya sa Survivor? “Marami. Para kaming mga patay-gutom lagi na naghahanap ng pagkain. Kanin lang lagi yung kinakain namin. Tapos minsan sinusunog namin para magkaroon lang ng lasa, yung tutong. Ginagawa naming tutong para lang may lasa yung pagkain," kuwento niya. “So parang, ‘pag sa Maynila hindi ko naman kakainin yan e. Kumbaga doon maba-value mo talaga yung food. Mare-realize mo yung mga ginagawa ng mga street children dito talaga," he shared. Of course, dahil sa kanyang pagsali sa Survivor Philippines, hindi maiiwasang maipakilala siya bilang isang Kapuso. Ano kaya ang nararamdaman niya tungkol dito? “Para sa’kin, yung pagkaka-introduce sa’kin, na nag-over the bakod, Kapuso na, on my part, ang ganda. Nakakataba ng puso, parang tinatanggap na ako ng GMA as a Kapuso, so sana talagang magtuloy-tuloy," pagtatapat ni Ahron. Very thankful nga raw si Ahron na nakasama sa Survivor Philippines, and he is looking forward to what will happen in the future. “Sabi ko nga, I can say na make or break sa’kin ito," pahayag niya. “Kumbaga nagsisimula ulit ako sa wala kasi bagong lipat ako, so tingnan natin kung stepping stone ito." Abangan si Ahron at ang iba pang mga celebrity castaways sa Survivor Philippines Celebrity Showdown, weeknights pagkatapos ng 24 Oras on GMA 7. - Karen de Castro, iGMA.TV