Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Kris Bernal's new look on GMA 7's Koreana


Nagsimula na ang pinakabagong drama ng GMA, ang Koreana. Top-billed by Kris Bernal, this marks a milestone on the young actress’ career. Paano nga ba pinaghandaan ni Kris ang role niya?

Nasa US si Kris nang maibalita na gagawin ng young actress ang Koreana na part ng Dramarama block ng GMA. “Nag-Pinoy TV po ako sa California. Sa totoo lang sa internet ko lang po nabasa. Marami pong nagtatanong sa 'kin kung totoo daw po [na gagawin ko ang Koreana]. Ayoko naman pong magsalita hanggat hindi pa po ako sinasabihan," kuwento ng young actress. When finally she learned that it was indeed her project, sinimulan na ng dalaga ang paghahanda para sa kanyang pinakabagong role. “Sobrang hirap talaga, as in pressured talaga ko, kasi ito yung una ko pong show na hindi ko kasama si Aljur [Abrenica] at ito po ang una ko pong show na may bago akong love team na hindi ko pa po masyado kakilala at nakakasama," ayon kay Kris. “Ito pa yung show na kailangan kong pag-aralan ‘yung culture, kasi s'yempre yung mga ginawa ko po Filipino culture lang, ito talaga Korean culture." Patuloy pa niya, “Lahat kailangan kong pag-aralan ‘yung salita nila, kilos nila, ‘yung mga luto nila kasi sabi nga nila magluluto daw ako dito. Sabi ko nga po gustong kong pagdaanan lahat ng workshops, gusto kong pagdaanan ‘yung acting workshop, ‘yung pagluluto kasi hindi naman po talaga ako nagluluto pero gagawin ko talaga. ‘Yung mga free time ko po pag walang taping o kaya pag break sa taping gusto ko po talagang mag-aaral magluto." Korean look Kapansin-pansin na sa promo pictures ng show, mukha talagang Koreana si Kris and putting on some weight actually suited her role. “Nakita ko rin kasi 'yung pagkapayat ko nun eh, talagang hindi maganda. Siyempre tinitingnan ko rin 'yung itsura ko sa screen at saka talagang nai-issue na ako nun na hindi daw po ako kumakain, nagpatapyas daw po ako ng pisngi ko. Kaya ayun ngayon po talaga kumakain na ako ng marami at ito na nga po tumaba po ako. Natutuwa naman ako kasi ang gaganda po ng feedback po ng mga tao ngayong nag-gain ako ng weight," paliwanag niya. May peg ba siya para sa kanyang role? “Sabi po nila si Jessie (ng Full House), kasi 'yung character ko ‘pag sobrang saya niya talagang makulit siya, masayang-masaya siya talagang maarte. Pero pag talagang bagsak siya, iyak talaga siya. So ganun 'yung character na nilalaro naming," paglalahad ng dalaga. Pero dahil sa nagluluto ang kanyang character, puwede rin kayang si Jang Geum (Jewel in the Palace) ang isa pang magandang peg para sa character ni Kris? “Lahat yata ng [Korean heroines] inisa na lang sa isang show," natatawang pahayag ni Kris. Sa pagtatapos ng interview, inamin ni Kris kung gaano siya kasaya sa break na ibinigay sa kanya ng GMA. “Itong Koreana talaga napakasaya ko talaga dito. Hindi ko akalain na ibibigay sa akin ito. Ito na 'yung show ko. Yes sa wakas! Talagang ganun 'yung feeling ko!," pagtatapos niya. Panoorin si Kris bilang Koreana, weekdays sa Dramarama sa Hapon ng GMA, pagkatapos ng Trudis Liit. – Loretta G. Ramirez, iGMA.tv