Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Eddie Gutierrez, Annabelle Rama proud parents of Richard


After 42 days of filming for Survivor Philippines Celebrity Showdown, dumating si Richard Gutierrez sa Pilipinas, in time for the VIP screening ng box-office movie niyang In Your Eyes. Masayang-masaya at very proud naman ang kanyang parents na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa kanilang anak. Noong August 18 ay dumating sa Pilipinas si Richard in time for the VIP screening of his box-office movie with Claudine Baretto and Anne Curtis na In Your Eyes. Masaya ang kanyang co-actors dahil kumpleto na silang makakapag-promote ng kanilang movie. Hindi rin nawala sa masayang event na ito ang very proud parents ni Richard na sina Eddie at Annabelle. Matagal nawala ang young actor dahil sa shooting nila para sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. Kaya naman hindi maiiwasang hindi mag-alala ng kanyang mga magulang. Kuwento nga ni Annabelle, labis siyang nag-aalala dahil iba ang kondisyon sa isla kung saan ginawa ang new season ng Survivor Philippines. “Napakatagal [niyang nawala]. Tapos ‘pag tumawag pa siya, mabilisan lang hindi iyong tsismisan. ‘Ibang klase iyong doon [sa isla],’ sabi niya," kuwento ni Annabelle. Maging ang kanyang ama nga na si Mr. Eddie ay kinabahan rin para sa binata. “Alam mo kinakabahan din ako dahil matagal siya doon. At saka hindi naman madali iyong trabaho niya," ayon sa ama ni Richard. Ngunit sabi nito, alam niyang kayang-kaya ito ng anak niya dahil nga mula pagkabata ay mahilig na sa adventures ang binata. “Alam ko si Richard, pag sinabi mong, ‘kaya mo bang gawin ito?’ Kahit na dangerous kinakaya ni Richard. Lumaki siyang ganyan eh. Kasi nga noong bata pa siya, ganyan na talaga si Richard," ayon kay Mr Eddie. Ang biggest challenge nga raw para sa young actor ay ang pagkaka-miss nito sa Pilipinas at sa kanyang mga loved-ones na nandito. “Siguro iyong nalulungkot siya [ang pinakamahirap para sa kanya]. Nami-miss niya iyong Pilipinas. Nami-miss niya iyong mga loved ones niya dito. Sinabi niya minsan sa akin na, ‘Nalulungkot ako dito.’ Sabi ko kaunting tiyaga na lang at ilang araw na lang," kuwento pa ni Eddie. Wala naman bang nami-miss na special someone ang kanilang binata? “Alam mo si Richard, hindi kinukwento sa akin ang tungkol sa love life niya. Iyan ang isang topic na hindi namin pinag-uusapan," nakangiting sagot ng ama ng binata. Hindi rin masukat ng kahit anong salita ang pride na nararamdaman ng mag-asawa sa mga achievements ng kanilang anak. “Super proud ako ngayon dahil nanalo na lahat ng kaso niya at saka successful iyong pelikula," sagot ni Annabelle. “Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng nanood ng pelikula ni Richard, Claudine, at si Anne. Sa suporta ninyo napakaganda ng pelikula. Maraming-maraming salamat. Sa lahat ng hindi nanood, manood kayo kasi napakaganda ng istorya," dagdag niya. Dahil nga sa magandang reviews na nakukuha ng In Your Eyes, hindi maiwasang maitanong sa ama ni Richard kung nakikita ba nito ang kanyang sarili sa anak niya in terms of acting. “Alam mo, iba si Richard umatake ng role eh. Iba rin ang pag-atake ko ng role," sagot ni Eddie. “May kaunting similarities, pero iba si Richard and I am very proud of him." Panoorin si Richard sa In Your Eyes which is now showing in cinemas nationwide. - Ayessa De La Pena, iGMA.tv