Filtered By: Showbiz
Showbiz
iGMA: Jillian Ward charms her Trudis Liit co-stars Mike and Maxene
Sa unang linggo pa lamang ng Mars Raveloâs Trudis Liit ay humataw na sa ratings ang show. Ano nga ba ang charm na mayroon ang batang star na Jillian Ward at maging ang kanyang co-stars na sina Mike Tan at Maxene Magalona ay aliw na aliw din sa kanya? âSa kanya talaga ako mai-inlove,"sambit ni ni Mike, who plays the role of Migs sa Trudis Liit nang tanungin ang aktor tungkol sa newest child wonder na si Jillian. âSheâs very smart. Wala namang mahirap. Ang mahirap lang minsan kasi bata siya mas gusto niyang maglaro kaysa magtrabaho," dagdag ni Mike. Hindi nga maiikakaila ang charisma ng batang ito. Maging si Maxene , who plays the role of Ched ay puro papuri ang nasasabi tungkol sa bata. âSi Jill, sheâs very, very young. Sheâs only five years old. Plus, sobrang bibo," bungad ni Maxene. âPagdating sa iyakan, walang problema. Jill is very, very good. Nakakaawa talaga syaâ¦Sheâs very smart for her age. She knows how to pick up directions kaagad, kung anoâng kailangan gawin sa eksena, how to memorize her lines kaya naman nya kaagad." Kahit sa early weeks pa lang ng afternoon soap ay masasabing malaking success na ang Trudis Liit. Ano naman kaya ang aabangan ng mga fans nina Mike at Maxene in the future? â[Sina] Elmo and Saab, gusto ko talaga silang makatrabaho," sagot ni Max patungkol sa kanyang mga kapatid. Kahit lang daw sa isang production number sa Party Pilipinas niya makasama ang kapatid na si Elmo ay masaya na siya. âHopefully soon makakatrabaho ko na sila kasi may in-the-works na eh. So sana in the future makatrabaho ko na sila. Kahit man lang sa Party Pilipinas makasama ko sa isang production number si Elmo, ok na yon sa akin," ayon sa batang aktres. As for Mike naman, masaya ang binatang aktor na marami ang nagko-comment na leading man material na siya dahil kapansin-pansin ang pagbabago ng kanyang pangangatawan. âThank you kung iyan man ang nakikita nila. Matagal ko na rin âtong inabangan, siguro sabihin kong pinaghirapan ko na rin kung ano man iyong binibigay sa akin. Sobrang tagal nag-hintay, sobrang haba ng preparation ko. Iyong mga workshops, âyong theater, ginawa ko talaga âyon para dito sa oras na âto," natutuwang sagot ng binata. Ano pa kaya ang aabangan ng mga masugid na manonood ng Trudis Liit sa show? âSiyempre kailangan rin nilang abangan yung mga imagination scenes ni Trudis. Kasi nag-iiba âyong paningin niya pag point-of-view niya. âYon yung kinaiba ng Trudis Liit sa mga original na Trudis Liit beforeâ¦ang Trudis Liit dito sa GMA, itâs very light nga and may mga imagination sequence na âpag si Trudis na yung tumingin, biglang naiiba na yung paningin niya. Cute din talaga. Parang itâs from a point-of-view of a kid and then at the same time, nasasali iyong mga matatanda," pagtatapos ni Maxene. Gusto niyo pang makilala ang bagong loveteam na ito? O kayaây gusto niyong makita sila kasama ang napaka-cute na si Jillian Ward? Then you have to join the iGMA Live Chat with Maxene Magalona, Mike Tan, and Jillian Ward a.k.a. Trudis Liit on Wednesday at 2-4PM (Philippine Time)! Mag-log on na sa iGMA.tv Live Chat for more details. - Ayessa De La Pena, iGMA.tv
More Videos
Most Popular