Filtered By: Showbiz
Showbiz
PEP: Nina Kodaka bids 'sayonara' to Japan
Bukod sa Final 5, naging paborito rin ng maraming tao ang Avenger na si Nina Kodaka sa Final Judgment ng StarStruck V last February 21 sa Araneta Coliseum. Ang Filipino-Japanese na si Nina ang pinakahuling survivor na na-eliminate sa pagpili ng Final Five. Ikinuwento nga niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang pag-collapse sa backstage ng Studio 5 nang matanggal siya. "Nagulat din po ako kasi nag-blackout po ako," umpisa niya. "Nanigas po ang katawan ko at hindi ako makahinga. Buti na lang may nakasalo sa akin. Sobrang na-stress po ako that day. The whole day po kasi, 'yon lang ang iniisip ko. Hindi ko alam ang magiging reaction ko if ever na ako ang matanggal. Kaya noong ako na nga ang na-eliminate, talagang hindi ako makakilos at iyak na lang daw ako nang iyak. "Nasa backstage lang po kasi kami that time. Noong tinawag na si Diva [Montelaba] at naiwan na ako, doon na ako nakaramdam ng hilo at natumba na ako. Wala na akong maramdaman that time. Pero after a few minutes, okay na ako. Pinatingin naman ako sa doctor at masyado lang daw ako na-tense that night. "But of course," patuloy ni Nina, "I felt sad na hindi ako nakasama sa Final Five. Pero okey pa rin kasi may GMA-7 contract na rin ako. Kaya artista na rin ako at Kapuso na talaga ako!" Sa Final Judgment ay binigyan pa ng special award si Nina dahil sa pag-survive niya sa kanyang pagkakahimatay. Ito ay tinawag nilang Still Standing Strong Award. "Nakakahiya nga po yung nangyari sa akin, pero natuwa naman ako sa award na ibinigay nila. I'm proud to be a survivor in this contest," sabi niya. NINA FOLLOWERS. Hindi raw makapaniwala si Nina na pumunta rin ang fans niya sa Araneta Coliseum sa Final Judgment. Natuwa raw siya nang may makita siyang malaking banner niya na sumasabay sa mga banner ng Final Five na sina Sarah Labhati, Diva Montelaba, Steven Silva, Enzo Pineda, at Rocco Nacino. "I was so happy because I did not expect that my fans would still be there to support me. Natuwa ako kasi may malaki akong banner at nasa gitna pa sila. These are the people who supported noong nakapasok na ako sa StarStruck. Kaya I am so thankful na kahit hindi ako nakaabot sa Final 5, nandiyan pa rin sila to support me," saad niya. Happy naman daw si Nina sa mga nanalo ng titulong Ultimate Survivors na sina Steven at Sarah. Pareho kasing naging close sa kanya ang dalawa lalo na noong magkasama sila sa iisang condominium unit. "Pareho po silang deserving. Lalo na si Sarah, alam ko na she wants her dad na dito na tumira para magkasama sila. Si Steven naman, siya yung pinakatahimik sa mga guys. Nagkaroon kami ng misunderstanding before noong nasa isang bahay lang kami, pero naayos naman iyon kaagad," ani Nina. SAYONARA, JAPAN. May nasabi before si Nina na hindi na siya babalik sa Japan dahil ayaw na raw niya doon. Mas enjoy raw siya dito sa Pilipinas. Ganun pa rin ba ang pakiramdam niya kahit hindi siya ang nanalo? "Opo, sinabi ko 'yon," pagkumpirma niya. "Kasi sa Japan, nagtatrabaho ako doon pero hindi ko gusto yung ginagawa ko. It's not what I want to do talaga. Iba ang gusto ko. I found it here in the Philippines. "Yun pala, ang pag-aartista ang gusto ko. That's why I auditioned for StarStruck kasi I want to entertain people. I can sing, dance and act. Ito pala ang gusto ko kaya ayoko na ng work ko sa Japan. Dito na lang ako at Kapuso na ako talaga ngayon." Hinahanda na ni Nina ang kanyang sarili sa mga trabahong ibibigay sa kanya ng GMA-7. Pangako niya na mas bibilisan pa niya ang kanyang pagkilos para mas marami siyang trabahong magawa. "Yun naman po ang lagi nilang sinasabi sa akin, more energy. Promise ko po na I will always give my best sa mga ipapagawa nila sa akin. Like what I said, gusto ko mag-entertain ng maraming tao kaya gusto ko dito sa Pilipinas. I love the people here and I am half-Pinoy naman. Sana po tanggapin nila ako nang buong-buo," sabi ni Nina. - Ruel J. Mendoza, PEP
Tags: starstruckv, starstruck
More Videos
Most Popular