Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Marian Rivera gives hint about Darna's ending


Sa nalalapit na pagtatapos ng Darna, Marian Rivera gives us a teaser kung ano ang magaganap sa huling linggo ng nangungunang fantaserye sa Philippines television na hindi dapat palampasin. Tuwang-tuwang nagkuwento si Marian sa press nang bisitahin ng iGMA sa last taping day ng Darna. Malaki ang pasasalamat ng Primetime Queen ng GMA sa suportang ibinigay sa kanya ng mga taga-press. Kaya naman binigyan niya kami ng kaunting teaser sa magaganap sa huling linggo ng Darna. "Naku, abangan nila. Abangan nila kasi magsasama-sama ang kalaban ko't magiging isang tao lang siya. Abangan nila kung sino 'yung isang tao na 'yun," ang excited na kuwento ng paboritong Pinay superhero. Dagdag pa niya, "Palagi kong sinasabi na madaming twist. Marami talagang mangyayari, basta okay 'yung ending niya." Ano naman ang masasabi niya na consistent top-rater ang Darna mula simula hanggang katapusan?
"Siyempre masaya ako pero sabihin na lang natin na 'yung ratings eh bonus na lang 'yan para sa amin. Ang importante nagagawa naming ang trabaho namin ng maganda. Okay kami sa set," pahayag ng dalaga. “Lahat kami dito masaya, relax lang talaga. At saka alam namin ibinibigay namin lahat 'yung best namin dito sa Darna kung ano man ang managyari, kung ano man ang ratings, masaya kami," patuloy ni Marian. Indeed napakagaan nga ng atmosphere sa set ng Darna and iGMA staffs were treated as very important guests nang dumalaw doon. Even director Dominic Zapata, went out of his way to welcome us. So aside from the cast and crew ng show, ano kaya ang mami-miss ni Marian, once natapos na ang Darna? "Sabi nila sa akin 'Ano daw ang hindi ko makakalimutan dito sa Darna?’ Sabi ko, 'yung transformation ko--'yung unang-unang transformation at unang-una kong pagsuot ng costume," tugon niya. "'Yun ang pinaka nagustuhan ko kasi talagang dun 'yung sabi nila sa akin, 'Naku magkakaalaman na sa ratings kasi transformation na.' Parang dun ako kinabahan, 'Ay ganun ba 'yun, dun ba 'yun sa transformation nakukuha?," pagbabalik-tanaw ni Marian. “Ayun sobrang happy ako tapos ang dami kong nakuhang good comments dun sa transformation na 'yun. Talagang natuwa ako," paliwanag ng aktres. She even joked na sa sobrang ganda ng transformation niya, hindi na ito naulit sa story. Kaya huwag palampasin ang mga huling episodes ng Darna, who knows, baka ipakita ulit kung paano mag-transform si Narda to Darna. Panoorin ito weeknights, pagkatapos ng 24 Oras. - Loretta G. Ramirez, iGMA