Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Rhian Ramos wishing for real life ‘Cholo’


The lovelorn story of Stairway to Heaven is about to conclude. At para naman kay Rhian Ramos, she would only wish na ang lalim ng pagmamahalan nila 'Jodi' at 'Cholo' sa istorya ay maranasan niya sa totoong buhay. Nang makausap ng iGMA si Rhian sa set ng soon to conclude Stairway to Heaven tinanong namin siya kung magkakaroon siya ng mahal sa buhay, katulad ba ng pagmamahal ni Jodi kay Cholo ang ipapadarama niya? "Honestly no, pero I can only wish. Kung papaano si Cholo? Oo, sa tingin ko sila 'yung mga tumatanda together. 'Yung mga grandparents natin, sila 'yun – 'yung mga Jodi at Cholo. I wish for it, hindi ko alam kung mahahanap ko kung makaka-attract ako ng ganung klaseng lalaki, pero I wish for that siyempre," answered Rhian. At sa pagtatapos ng show nila ni Dingdong Dantes, hindi lingid sa mga sumusubaybay nito ang mga malulungkot na eksenang mangyayari. But Rhian tries to appease the viewers by airing her perspective. "Eto ang belief ko sa life ko: no bad things happen. There's no such thing as bad things happening, lahat may dahilan," she said in retrospect. "Sa una, maiinis tayo sa ibang bagay na nangyayari, pero in the end may dahilan at may effect din siya sa atin." Even her character, Jodi, possesses a personality na siguradong a lot of people try to aspire ngunit, usually, kinukulang o nahihirapan tularan. "Si Jodi actually ang pinaka-forgiving na tao. Wala siyang grudge. Alam mo 'yun, 'yung five years na nilihim sa kanya ni Charlie (TJ Trinidad) kung ano 'yung totoo. Nagalit siya oo, pero kayang-kaya niyang patawarin 'yung tao. Sa eksena kung papaano bumalik 'yung alaala ni Jodi. Nagalit ba siya? Hindi, natuwa pa nga siya," she recalled. Rhain continued: "[Sabi ni Jodi], 'Salamat at bumalik ang alaala ko dahil sa iyo.' Parang ganun, ganun siyang tao - she likes to see the best in people. Gusto niyang maniwala na ang lahat ng tao mabait." Rhian admitted having this forgiving characteristic in real life. Sa totoo lang, she confessed,"...may pagka-ganun din ako. 'Yun 'yung isa sa mga, actually, naiintindihan ko kahit ganun si Jodi. Hindi ko sinasabi 'Bakit ang dali mong maging okay? Magalit ka.' Hindi ako nagga-ganun, kasi naiintindihan ko siya. Hindi ako nagho-hold ng grudge. Kung ano 'yung tao, ganun siya, I like to see the best in people, kung hindi the best, kung ano lang siya, ganun siya, hindi siya masamang tao." This may be one of the reasons, why, in spite of her detractors sa umpisa pa lang ng Stairway to Heaven, Rhian chose to ignore the negative issues and concentrate on her work. At, true enough, these did not deter the show from being one of the highest rating programs in the GMA Telebabad block. "At saka sa tingin ko one of the reasons why ginawa namin 'yung sobrang best sa show na ito ‘pag binasa mo 'yung script unbelievable 'yung klaseng love na 'yung meron si Jodi at si Cholo na gusto mong totoong tao na sila. Kaya mo gustong buhayin sila," she explained further. "Parang I want them to be real people, so ginawa ko, para mapanood ng lahat at maramdaman din nila 'yung ganoong klaseng love. Kahit sa show man lang – mahirap kasi makahanap ng ganung klaseng love so kahit sa show man lang sana mapanood nila," ayon pa sa aktres. - Erick Mataverde, iGMA
Tags: rhianramos