Filtered By: Showbiz
Showbiz
iGMA: Nadine says she’s ready to face challenges in Tinik sa Dibdib
Sa pagkawala ni Sunshine Dizon sa Tinik sa Dibdib,nabigyan ng big break si Nadine Samonte upang ipagpatuloy ang lead role sa series. Ano ang nararamdaman niya sa challenge na ibinigay sa kanya ng GMA? Isang malaking pagsubok ang hinaharap ngayon ni Nadine sa pagpapatuloy niya sa role ni 'Lorna' sa Tinik sa Dibdib. And as expected hindi mawawala ang mga intriga sa pagtanggap niya sa project na ito. Maraming tanong ang dapat niyang sagutin para sa mga tagasubaybay ng afternoon drama series. Sa Showbiz Central, matapang na sinagot ni Nadine ang mga tanong ni Mo Twister about her big break and stressed that she is willing to face all the challenges na sasalubong sa kanya, including the so called âwrath" of Sunshine Dizon's fans. "Syempre sabi ko nga noong unang-una pa lang, there is always a comparison, at hindi talaga mawawala 'yun. So kung hindi nila ako matanggap alam ko naman na may ibang tao na maiinitindihan ang side ko and for sure siguro matatanggap din naman ako," ang matapang na sagot ng StarStruck alumna. "Hindi naman 'yun ang magiging reason para mag-resign ako or what." Nilinaw din ni Nadine that she has always recognized Sunshine Dizon's talent as an actress and that she is humbled by the network's decision para bigyang-buhay ang role na dati ay kay Sunshine. "Ate Shine na 'yan e. Alam naman natin na she is a very good actress pero siguro, hindi ko masasabi na mas ibibigay ko ito kesa sa kanya pero ang masasagot ko lang dyan sa ngayon ay gagawin ko ang lahat, ibibigay ko ang best ko at hindi ko ipapahiya ang GMA-7 na ako ang pinili nilang kapalit." Panoorin ang portrayal ni Nadine Samonte sa Tinik sa Dibdib weekdays sa Dramarama sa Hapon ng GMA. - Loretta G. Ramirez, iGMA
Tags: nadinesamonte, tiniksadibdib
More Videos
Most Popular