Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: JC de Vera answers questions about rumors he will be leaving GMA 7


Matapos ang Sine Novela niyang Ngayon at Kailanman, mapapanood muli si JC De Vera sa mga darating na episodes ng ‘Dear Friend’, na ayon sa aktor ay paghahanda sa mga darating na mas malalaking project. "Alam ko po na may gagawin ako, pagkatapos ng Stairway (to Heaven) nila Dingdong (Dantes). 'Yun 'yung sabi sa akin. Pagkatapos nito, parang ito 'yung pahinga ko lang muna," sabi ni JC De Vera sa iGMA nang bisitahin siya kamakailan sa set ng Dear Friend presents, 'Special' sa Bulacan. Nabanggit din ni JC na pangalawang pagkakataon na pala niyang magkaroon ng role sa Dear Friend. "Second na ito, 'yung first 'yung sa aming dalawa ni Ryza (Cenon), 'yung per episode [pa] lang. Kasi ngayon four weeks na ang Dear Friend – month long na siya." Idinagdag ni JC na, "Very wholesome itong [mga] episode na ito, very interesting din ' yung plot, sana magustuhan nila." Ang ibang kasama ni JC sa Dear Friend episodes Special ay sina Jewel Mische, bilang Yvette, at ang newly-signed GMA Artist Center comeback talent na si Ynna Asistio, who plays the role Ella, Yvette's developmentally challenged sister. Kuwento naman ng direktor ng episodes na ito na si Mark Reyes, very interesting talaga ang istorya ng 'Special'. "Maganda 'yung story, it’s a love story between Jewel and JC, and just when they're about to get married Ynna shows up," kuwento ni Direk Mark. "So it throws a monkey wrench on all their plans. And then may dalang bigat or sama ng loob si Jewel kay Ynna, because she was the reason why their father died." Kaya interesting love triangle ang masasaksihan ng mga manonood dito. Though, bago pa man mag-umpisa ang taping ng show, naglabasan din ang mga balita na si JC ang dahilan kung bakit nag back-out si Yasmien Kurdi sa role na napunta kay Jewel. "Siya po nga dapat dito, tapos nalaman ko na pinalitan na siya. Ayaw daw niya. Pero wala naman akong alam kung bakit," paliwanag ni JC. Pero he speculated na pag-aaral ni Yasmien ang dahilan, "Gusto naman niya 'yun eh. Ever since gusto niyang mag-aral" Likewise, sinagot din ni JC ang pabalik-balik na issue tungkol sa napipintong paglipat niya sa rival station ng GMA. "Meron naman[g issue] palagi eh," bulalas ni JC. "As far as I know, okey pa ako rito sa network, okey pa ako sa GMA, walang isyung ganun. Kasi may gagawin pa akong [project sa] December eh. So ‘pag December siya nag-start, malamang January siguro mag-start 'yung taping, so malamang 'yung ere nun lalagpas sa kontrata ko. Madami 'yun, lalagpas ako, for sure." Mag-umpisa na ang panibagong four-part episode ng Dear Friend, kaya huwag palampasin itong Linggo pagkatapos ng SOP. - Erick Mataverde, iGMA
Tags: jcdevera