Filtered By: Showbiz
Showbiz
iGMA: Chariz Solomon 'dream scene' come true
Madami na ang nalulungkot sa papalapit na pagwawakas ng romantic/comedy series sa GMA Network na 'Adik Sa 'Yo'. Ngunit para sa aktres na gumaganap sa karakter na si âEmileneâ, panahon na niya para mas lalong maging masaya sa mga nalalabing kabanata ng show. "Mas masaya. Kasi nakasama ko ulit si Chynna (Ortaleza), nakabonding-bonding namin siya, ang ingay namin lagi. Nadagdagan ng characters kaya mas masaya," ayon kay Chariz Solomon na gumaganap sa papel ni Emilene. Naabutan nga ng iGMA si Chariz na nakikipag-bonding sa kanyang mga kaibigan at co-stars na sina Chynna at Jennica Garcia sa set ng Adik Sa 'Yo. Tuwang-tuwa na binanggit ni Chariz sa iGMA na excited siya ng mga sandaling iyon dahil sa mga kukunan sa kanyang eksena. "May mga eksena kasi kung saan magbabago ang buhay ko. Kasi bago ito rin para sa akin â ang pagdating ng isang lalaki sa buhay ni Emilene," kuwento ni Chariz. "Magbabago ang buhay ko, pero hindi ko sa inyo sasabihin kung sino." Ano naman ang pakiramdam niya na natupad din ang kanyang pinapangarap na eksena? (Read: Chariz Solomon wants to have a kissing scene in 'Adik Sa'Yo) "Ito na 'yun. Kinakabahan ako kasi kukunan na mamaya. Hindi ako kinikilig, kinakabahan ako, kasi first time ko magkakaroon ng partner," kinilig na sgot ni Chariz. "Nagkaroon naman ako ng partner dati sa mga guestings, nagkaroon ako ng dalawang kissing scenes na smack lang. Pero sa mga ka-close ko na boys, first ko lang talaga siya makakasama ng ganito," idinagdag ng aktres. Pero sa kabila ng kanyang excitement, pinaghandaan niya ng todo ang naturang eksena. Mismong sa boyfriend niya sa totoong buhay kumuha ng suporta si Chariz sa naturang eksena. "Sabi niya hindi naman daw kailangan may kissing scene. Tsaka [ang totoo], sabi [pa] niya kaya ko daw 'yan. Kinausap niya sa phone sila Chynna at Jennica â tulungan daw [nila] ako, i-practice daw ako na kunwari sila ang lalaki," ayon kay Chariz. "Basta nakakatuwa 'yung eksena, magkaka eye-to-eye kami, biglang titibok ang puso namin," idinagdag nito. Tinanong namin si Chariz kung ano talaga ang pakiramdam ng kanyang boyfriend at mukhang nadadalas na ang pagkakaroon niya ng love interest at mga kissing scenes. Pero sa sagot ni Chariz, maski na may halong selos ito, mukha namang ibang lebel ang pagkakaintindi ng BF niya sa kanyang piniling career. "Nahihiya, talaga ako. Feeling ko baby pa ako. Oo, nagalit ang jowa ko. Sabi niya, 'Bakit mo gustong halikan si Geoff Eigenmann?' 'Di ba naglolokohan tayo nun?" tugon ni Chariz. "So finally, magka-come true na at hindi lang kay Geoff Eigenmann." Ano naman ang feeling ng ating komedyanteng StarStruck: The Next Level alumnae sa mga breaks na natatanggap niya dito sa Adik Sa 'Yo? "Importante pala si Emilene sa istorya. Echos! Hindi, wala natutuwa talaga ako sa role ko dito kasi nga nafe-feel ko na ang ganda ganda ng role ko," pag-alam ni Chariz. "Siguro ito 'yung pinaka favorite kong role na ginawa sa prime time, ang dami kong natutunan, pati sa kasama kong mga staff, EP, Direktor, masaya." Sino ba talaga ang misteryosong lalaki na makakapareha ni Chariz? Alamin sa nalalapit na pagwawakan ng âAdik Sa 'Yo" sa GMA Telebabad - Erick Mataverde, iGMA
Tags: charizsolomon
More Videos
Most Popular