Filtered By: Showbiz
Showbiz
iGMA: John Lapus has 'sweet' revelations about his shows
Kasing kulay ng pagkatao ni John Lapus ang mga pangyayari sa kanyang mga shows at sa kanyang career in general. Anu-ano pa ba ang mga bagay na dapat malaman sa sweetest Kapuso star. "Ruben (Dennis Trillo) decided to go back to the province in Batangas, babalik ako sa beauty parlor ko. Tapos nandun pa rin ang Ruben's Tuba business, but mas nagko-concentrate siya sa tubaan mismo," kuwento ni John or 'Sweet' sa iGMA tungkol sa kanilang romantic/comedy show na Adik Sa 'Yo. Dahil dito, tinanong namin kung ano talaga ang feelings ni July, John's character sa Adik SaâYo, kaugnay sa mga pagbabagong nangyayari sa istorya. "'Yung character naman ni July, kahit ano, basta kasama niya si Ruben. Si July dito is siya 'yung character na sa sobrang pagmamahal niya kay Ruben, he's willing to let go of Ruben as long as Ruben is happy," paliwanag ni Sweet. "Typical na bakla â na 'yung mga mahal namin na lalaki, okey lang namin na i-let go, basta nakikita lang namin at kasama siya [okey na]," mabilis niyang inihabol. Sambit pa ni Sweet: "Alam naman ni July na Ruben sees him as a best friend, sa first part na napanood ng mga tao, talagang ambisyosa si July, pero ngayon hindi na." And as the show moves into its final two weeks, anu-ano pa ba talaga ang aabangan ng mga manonood sa istorya nito? "Something to look forward to is the on-off relationship ni Ruben at ni Karen (Jennica Garcia) and, of course, Lisa, played by Chynna Ortaleza, who would be a very big mystery at mangugulo talaga sa relasyon ng dalawa. Maski si July mabibiktima din siya ni Lisa," Sweet revealed. Siyempre, alam naman natin that Sweet is among the stars of the weekend shows Show Me the Manny and Showbiz Central. Naging excited siya sa magandang reception ng premiere ng Manny Pacquiao and Marian Rivera sitcom. Likewise, ibinalita rin niya na that their weekend gossip show ay may mga new things in store para sa mga manonood. "Sad that it may seem, pero malapit nang mawala ang "Don't Lie to Me." But we'll have a new segment. Involved pa rin ang sayawan and fun pa rin siya. So dapat abangan nila âyan," pahayag ni Sweet. "As we reach our third year, we are reformatting and introducing some segments, so dapat nilang abangan yan!" Kumuha pa kami ng mga detalye sa kanyang bagong segment, ngunit mukhang tikom ang bibig ni Sweet dito. "Siyempre hindi puwede. Baka mapre-empt tayo ng ibang shows! Basta I assure you, it will be as fun, as energetic as "Don't Lie to Me". I will still be interviewing your favorite Kapuso Stars." tugon niya. Sinabi ni Sweet na baka sa last week of August or by September makikita at malalaman ang bago niyang segment sa Showbiz Central. "[Basta], ako naging excited ako when the [Showbiz Central] staff presented it to me. Tapos naki-brainstrom din ako and [I also] suggested some inputs," pagtatapos ni Sweet.- Erick Mataverde, iGMA
More Videos
Most Popular