Sa set ng primetime hit, Adik Sa 'Yo, naabutan ng iGMA si Iwa Moto preparing for her final scenes as âAndrea," ang malditang assistant ni "Aurora" na ginagampanan ng veteran actress na si Chanda Romero. "Ta-traydurin ko ang mga amo ko [si Aurora], and then I'm going to Europe!" kuwento ni Iwa sa kanyang eksena. "Tinulungan ko si Fatima (Eugene Domingo)], 'yung mom ni Jolina (magdangal), para gawing mahirap sila "Madame Stella" (Elizabeth Oropesa) naman, tapos ang reward ko for that is may bahay ako sa Europe. Ganun siya ka-galante." Inamin ni Iwa na malungkot siya na patapos na ang mga eksena sa romantic/comedy series ng Kapuso na âAdik SaâYo." Pero kailangan daw na âitapon" na kanyang karakter dahil sisimulan nang iere ang isa pa niyang show na âDarna." Iwa will be busy sa feature role niya sa Darna, opposite Marian Rivera, bilang ang arch-villain na si Valentina.
Masaya dito, 'yon 'yung mami-miss ko.â Iwa Moto says about Adik SaâYo
"Actually, 'yon Europe para sa akinâkasama ko 'yung mga cobra, 'yung mga ahas sa ulo ko at 'yung tatay kong ahas. Doon ko mare-realize na si Valentina pala ako, hindi si Andrea," pagbibiro ng seksing aktres. So papaano na ang lihim na pagtingin niya kay 'Carlos' (Marvin Agustin) sa istorya? "Tinry ko siyang lapitan, [pero] ni-reject niya ako. Ang sabi niya sa akin, 'Maganda ka, seksi ka.' âYun lang 'yung sinabi niya. Hindi man lang niya sinabi na matalino ako," pabiro pa niyang sagot. But she admits na madali lang para sa kanya ang role niyang si Andrea dahil hindi na niya kailangang umakting. "Alam mo, 'yung character ko ngayon, sobra-sobrang natural lang. Ang nakikita ninyong Andrea sa TV, si Iwa Moto talaga. Madaling ma-in love [at] kapag na-in-love, pipiliting kunin. Kapag hindi niya makuha, ayun, pupunta ng Europe," pahayag ng aktres. Sobrang mami-miss raw ni Iwa ang taping ng
Adik Sa'Yo dahil itinuturing niya itong second family. âKasi they're like my second family na, lahat ng staff ni Miss H (Ms. Helen Sese, the producer) sobrang love ko. Mula [umpisa], eh. Si Miss H, âmula after namin mag-
StarStruck, nahawakan na ako, until now, [from]
Luna Mystika, [it's the]same staff," paliwanag niya. "Iba 'yung feeling na pagdating ko dito parang bahay ko lang. Tapos ang babait ng tao sa akin," idinagdag pa niya. Hindi rin umano maalis na ma-miss niya ang madalas na eksena nila ni Tita Chanda (Romero) . âKasi lola ko [rin] siya sa
Luna Mystika, 'di ba? So we're like sobrang-sobrang close; I feel comfortable with her, being with her. Kaya it would be hard for me na hindi ko siya makakatrabaho. Iba kasi 'yung bonding namin." Ngunit higit sa lahat, simple lang daw ang reason kung bakit malungkot si Iwa sa kanyang pag-alis sa show: "Masaya dito, 'yun 'yung mami-miss ko." -
Erick Mataverde, iGMA