Filtered By: Showbiz
Showbiz
Jade Lopez as a college student on and off screen
Huling taon na ni Jade Lopez sa kanyang pag-aaral, and she cannot wait to finally graduate. Pero bago niya tuluyang iwan ang school, she'll have to play another college student muna for All My Life. Lingid sa kaalaman ng marami, Jade was initially tapped to portray an addict sa afternoon soap na Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, ang best friend ng character ni Glaiza de Castro. Nakapag-pictorial na nga siya! But before she could start taping, Jade was pulled out to join All My Life. "Nagulat ako, kasi ine-expect ko lang talaga na project is Kung Aagawin," kuwento ni Jade sa amin. "Siguro mga three days before the story conference, tinawagan ako na mayroon daw akong prime time [show]." Siyempre, sino ba naman ang tatanggi, 'di ba? Jade says pagdating daw niya sa story conference, kinausap raw siya ni Miss Cheryl Ching-Sy, program manager of both All My Life and Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin: "Nilipat na lang daw niya ako sa prime time." As Lindsay sa PAll My Life, Jade says, "Barkada kami ni Kris [Bernal] â mayaman, mean girls. Parang kikay din, pero hindi gaano. Kasi ayaw ni Direk Mac [Alejandre] ng masyadong OA sa kikay. Ano kami, mas pa-demure, mas mataray, parang mga brats." Kumpara sa previous roles niya, mas mature ng kaunti si Lindsay â pero not as mature as what her role would have been kung natuloy ang kanyang stint sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin. "Actually, happy na ako doon sa role ko sa Kung Aagawin," Jade begins. "Pero dumating itong prime time, so [mas] masaya." Either way naman, whichever role she would've ended up with, Jade will be portraying a graduating college student â something na very reflective sa kanyang tunay na buhay ngayon. "Fourth year na ako!" natutuwang binalita sa amin ng dalaga. "Sana maka-graduate na!" Jade is taking up Psychology, pero she doesn't plan on pursuing a career related to her course once she gets her diploma: "Akala ng lahat magdo-doctor ako o abogado. Ayaw ko [na], ang tagal noon! Another four years? Five years?" If she gets her way, she wants to take up a fashion course or study sa isang culinary school. "Kung kakayanin ng budget. Ang mahal noon, 'di ba? Kasi 'di ako marunong magluto!" natatawa niyang sabi. Pero kung itutuloy ni Jade ang plano niyang magkaroon ng sariling restaurant â "Bongga ng pangarap?" Then kakailanganin nga niyang matutong magluto! - Jason John S. Lim, iGMA.TV
More Videos
Most Popular